Thursday, December 29, 2011

Hunger Strike

5:25 pm
Drained


Each day matters. 
Every hour counts. 
No second is left unnoticed.
'Tis not only Death that can make us value the lives we have,
the people we hold dear,
the decisions we thought we made right.


I am starving. Ako ay kasalukuyang nasa hunger strike. Hindi ko alam kung may lakas ng loob akong ikuwento kung paano ito nagsimula. Basta sa ngayon, sa emosyon ako kumukuha ng lakas. Kaya ko mang lumabas para bumili ng makakain, mas pipiliin kong magtiis.

----------

Noong nasa relasyon pa ako, batid kong may mga mali din akong nagawa. Mga maling desisyon, maling salita na lumabas sa bibig, mga maling pananaw. Lubos ko itong pinagsisihan. Dumating sa puntong inisip ko agad ang kinabukasan na nakalaan para sa aming dalawa ng nakarelasyon ko. Hindi na nakita ng mga mata ko ang iba, lalo na ang aking pamilya.

Nagbago ang lahat ng ito noong nagkahiwalay kami. Kung may maganda mang naidulot ang pahihiwalay namin, ito ang pagkakita ko nang mas malinaw ang mga pangarap ko. Hindi ko na inialis ang aking pamilya sa pangarap na ito. Blood is thicker than water.

Mahigit isang taon na akong walang buhay pag-ibig, pero hindi ko ito alintana. Naging family-oriented ang aking mga pangarap. Tuwing may paghihirap ako, sasamahan ko ng monologue na, "Konting tiis na lang, kapag nakatapos ako, mas magiging maginhawa din ang buhay namin." 

Buhay namin.
Buhay ko at buhay nila.
Buhay ko na para sa kanila.

Sa oras ng paggawa ng post na ito, sa bawat pagkalam ng sikmura ko, isa-isa ko nang kinakalimutan ang mga pangarap na hindi ko na sana nilikha. Hindi ko alam kung nagpapadala lang ako sa bugso ng emosyon, o nang galit.

Hunger strike.
May mabigat na dahilan kung bakit ito ginagawa.
Kamatayan.
Kawalan ng takot dito.
Isang matinding laban.
Laban upang panindigan ang sarili.
Laban gamit ang emosyon.
Laban na aking ipapanalo.

Saturday, December 24, 2011

Christmas List 5th Page

For some reason, hindi ko na maalala kung ano ang natanggap ko noong 4th year ako. Sorry sa nakabunot sa akin. Noong 2nd year pala, isang gwapong transfer student ang nakabunot sa akin, si Ping. Dahil mukha yata akong inosente, isang Strip Shooter Game ang iniregalo niya sa akin. Nasa kwarto ko pa din ito. Nagamit na ang mga shot glasses sa Mini-Business Activity namin, dumaan na sa kamay ng ilang ka-klase sa sleepover, muntik nang mabawasan noong napagdiskitahan ng teacher ko sa Nihongo. Pero luckily, kumpleto pa din siya.

----------

Ang masarap sa pagbibigay/pagtanggap ng regalo:

1. Sa ibang tao nanggagaling ang pinambili.
2. May element of surprise, hindi ka sigurado kung makakatanggap ka ba.
3. Kung makatanggap man, hindi mo (usually) alam kung ano ito.
4. Naipaparamdam mo na mahalaga ang isang tao.

Naransan mo na bang umikot ng ilang oras sa mall, para makakita ng perfect gift? Minsan pa, may makikita kang mas perfect na gift, and so on. Paniniwala ko kasi, bibili ka naman na ng regalo, pag-isipan mo nang mabuti. Sa halagang 100, iba-iba ang pwedeng mabili. Nasa tamang pagpili at suwerte ang ikagaganda ng regalo.

Minsan, sa ating quest sa paghahanap ng ireregalo, mapapatingin tayo sa isang bagay, sabay with twinkling eyes, at sambit sa sarili: Sana may magbigay sa akin niyan. Habang nag-iikot ka, dumadami din ang mga bagay sa sana-ako-din-regaluhan-ng-ganito list. Nakaka-tempt pa kapag tight ang budget, kasi darating ang dilemma kung ibibili mo ba sila ng regalo, o sarili mo na lang muna.

Minsan naman, hindi mga bagay ang nakakapuno sa ating wishlist. Minsan pangyayari, o tao. Makapiling ang ama na nasa ibang bansa ngayon Pasko. Kagalingan ng isang kaibigang nakaratay sa sakit. Matataas na grado. Isang taong magpapasaya sa pang-araw araw na buhay. Ito ang mga bagay na marahil ay mananatiling matagal sa ating wishlist, dahil wala tayong kakayanan para ibigay nang direkta.

----------

Kung tutuusin, ang Wishlist at New Year's Resolution ay maaari namang pag-isahin. Heto na aking sa akin:

1. Grumaduate on time. Hangga't di ko naipapasa ang lahat ng subjects, walang kasiguraduhan.
2. Maidaos nang maaayos ang natitirang activities ko bilang Education Committee Head ng organization namin.
3. Isang blue-green/apple green na polo shirt.
4. Bagong sapatos, pasira na ang ginagamit ko ngayon.
5. Trabaho pagkatapos kong sa College.
6. Panibagong mamahalin, samahan mo na ng lakas ng loob para sa da moves.
7. Kalusugan ng buong pamilya.
8. Makasama si Papa soon.
9. Makinis na mukha.
10. Braces, pero pagkatapos na magpa-gradpic.
11. Bagong phone, na madaling i-manage ang contacts.
12. Walong oras na tulog sa isang araw.
13. Magandang pangangatawan. Lean.
14. Makasama pa ang mga kaibigan ko nang mas matagal.
15. Ang interes niya sa akin. Kung hindi man kami meant to be, edi peace of mind na lang.
16. Imba Pasta skills.
17. Perang papel.
18. Perang barya.
19. Accounts receivable.
20. Basta pera.

Madami pa sigurong iba na di ko na maalala. Isang masayang Pasko sa ating lahat! Huwa kalimutang mag-alay ng taimtim na dasal para sa Kanya at sa minamahal sa buhay.

Christmas List 4th Page

3rd Year. Nauso ang wishlist. Dapat mas magiging masaya ang lahat diba. Pero anak ng tinapa, sa dami ng sinulat ko sa wishlist ko, walang natupad. Bibigyan kita ng pagkakataon (oo ikaw) para mahulaan kung anu-ano ang natanggap ko mula sa aking monita. 


Clue, kulay blue/white. 

Nope hindi t-shirt. 

Clue pa, matigas at may paggagamitan. 

Nope, hindi din tsinelas, at hindi din pabango. 


Di ko talaga siya mawaring hulaan kasi ang hirap isipin na pinggan na hugis isda ang nakuha ko. Sakit din sa ulong isipin na iyon ang matatanggap ng isang 3rd year HS. Yung pinggang tipong idi-display mo kasi ambigat at well, bagay talagang ipang-display. 

Nakuntento na lang ako sa kasamang nougat at langka candies na kasama dito. Kahit na may sticker pa ng Duty-Free ang mga nginangata ko, masakit pa din sa damdamin na ito ang natanggap ko. Isang malaking paumanhin kung mababasa ito ng nakapag-regalo sa akin. Ngayon niya lang malalaman ang saloobin ko kung saka-sakali.

Bumawi naman ang kaibigan kong si Ian nang regaluhan niya ako ng tsinelas noong araw din na iyon. Hanggang ngayon nasa kwarto ko pa ito. Ginagamit ko na lang sa loob ng bahay dahil kumportable at may sentimental value. Sa totoo lang, ito ang isa sa pinakamagandang regalo na natanggap ko mula sa isang kaibigan, na walang hinintay na kapalit.

By the way, nasa kwarto ko pa din pala ang fishplate na niregalo sa akin, nakalagay ang mga coins, susi at kung anu-ano pang kaartihan ko bilang isang lalaki.

Friday, December 23, 2011

Christmas List 3rd Page

May magandang alaala din naman. Nakatanggap ako ng Scrabble Board galing kay Mico. Grade 6. Laking tawa ko lang dahil habulin siya ng mga babae, at namatay na siguro sa kilig ang babaeng aabutan niya ng regalo. Kaso wala eh, ako ang sinuwerte. Tingin ko, napamahal pa ang bili niya nito. Mahal ang Scrabble board kung ikukumpara sa minimum price na napag-usapan sa klase.

----------

1st Year High School. Bagong buhay para sa aming lahat. Panibagong building, bagong ka-klase, at isang bagong Christmas party na naman. Pareho pa din - may palaro, pagkain, at pagpapalit-regalo. Natuto na ako. Kung ano man ang aking matanggap na regalo ay diretso sa bag ang punta.

Na-realize ako, sa pagpapalit ng regalo, ganito ang nangyayari. Ang buong klase ay maituturing na graph (pwedeng hindi connected). The vertex set containing the students of the class is partitioned into subsets. The supergraph is a collection of one-directional cycles, which represents the flow of exchange of gifts. Ang buong klase ay nagpapalitan ng regalo; may ibibigay ka, at may matatanggap ka din.

Kung ano man ang natanggap ko noong Christmas party na ito, hindi na ako nagdadamdam. Sa katunayan, ok na nga kami noong nagbigay eh. At ang weird pa, nabunot namin ang isa't isa. Nakabalot sa isang gold-box ang mga ito. Medyo excited pa kaming dalawa ni mama noong binuksan ang regalo. Ako ay nakatanggap ng ilang pirasong itim na kandila na mukhang binili sa isang magkukulam sa bangketa sa Quiapo. Period. 

Christmas List 2nd Page

Grade 5. Nagsilabasan na ang mga crushes, ang mga malilikot na pag-iisip namin, ang mga pimples, ang mga feeling matatanda na. Dito na din yata nagsimula ang karma ko sa aspeto ng pagpapalit-regalo.

Kumg mayroon mang nanaig na pattern sa mga Christmas party ko noon ay ang palaro, ang salu-salong kainan, at ang pagpapalit ng regalo. Fast forward. Dumating na ang pinakakahintay na pagkakataon. Ang regalong natanggap ko ay hugis cylindrical. Sa pagkalog ko, mukhang alkansiya. Pwede na, kasi may umaalog sa loob. Kahit halagang 20 pesos lang masaya na ako. 

Hindi ko muna binuksan ito. Inilagay ko sa backpack at umuwi na ng bahay. Habang nasa trike na ako, mas lalong nabubuo sa isipan na may bago na akong pag-iipunan ng pera. Sabi ko pa sa sarili ko na dito ko ilalagay ang aking mga pamasko. May halong kaba at antisipasyon ang bawat punit sa balot. Nabigo ako. Pringles, at hindi alkansiya, ang nakuha ko. Parang akong si Edward. Mabibili ko naman ito kahit hindi Pasko. Nalungkot ako. Bata pa, kaya sobrang binigyang halaga ko ang panahong ito.

Christmas List 1st Page

Medyo malabo na sa alaala ko. Grade 1. Ang nabunot ko para sa Christmas party ay si Edward Fuji. Si Edward ang aking monito. Dahil musmos pa lamang, si mama na ang bumili ng panregalo - isang maliit na tuwalya at isang bar ng chocolate.

Hindi ko nga inisip kung maganda ba yung ire-regalo ko, o kung magugustuhan ni Edward iyon. Universal gift ang labas nito. Kahit sa babae pwede mong ibigay.

Christmas games. 
Pahabaan ng Merry Christmas. 
Merry Christmas and A Happy New Yeaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaar.

Kainan. Typical na Christmas Party. Dumating na ang time ng pagbubukas ng regalo. Unfortunately, di ko na maalala kung ano ang natanggap ko. Pero ang naalala ko, nakita ko nang maliwanag ang buong silid. Sumisigaw ang karamihan sa mga bata. Halos lahat sa mga lalaki ay may hawak na eroplano, action figure, o robot. Ang mga babae naman halos ay Barbie dolls ang inaatupag. Lahat ay may natanggap. Sa gitna ng kasiyahang ito, may mga iilan na nakaupo, waring hindi nakatanggap ng kahit ano. Parang lumipas ang Christmas party sa isang iglap. Isa doon si Edward. Naalala ko ang malungkot niyang mga ngiti. Kumos sa kaniyang mga munting kamao ang tuwalya at tsokolateng pwede naman makuha kahit hindi Pasko.

Friday, December 16, 2011

Singing My Life

Our lives are our own songs, set in a melody of our choice.
We fill it with lyrics of our love, our heartaches, our sadness and of our triumphs.

We can always choose when to start, when to take a deep breath, and when to grumble in silence.

The best part comes when we find someone whose song whistles in unison with ours.

At times we find ourselves singing a happy tune among a crowd, at times with another special song which completes the melody that we started. At times we are left alone to sing our hearts out with no one to hear but the wind.

Tuesday, December 6, 2011

Sunday, December 4, 2011

Random Shots


Day One

Day Two, before the contest 

Day Two, after the contest


Date: December 1 and 2, 2011
Place: UP Diliman

Our school sent four teams to ACM-ICPC 2011 Manila Regionals. This a prestigious contest held all around the world - and I was damn lucky to be part of it. Ang saya, mula reviews, lokohan, bastusan. Bagong environment siya para sa akin. Good times.

Kaso hindi ako si Superman

Noong Biyernes, huminga ako nang malalalim pagdating ko sa isang resort sa Pansol. Sabi ko sa sarili ko, "Tapos na din. Pwede ka na magpahinga nang kaunti," Sabay ngiti. Naalala ko pa nitong nakaraang linggo, ako pa din ang Superman na pinangarap ko. 

Updates:
Number one. I'm over WoW moments. Ang isang tulad ko na Single at walang nang panahon sa sarili ay walang karapatan na maging boyfriend, o kahit na makipaglandian lang. Bumababa ang boyfriend-materiality ko dahil sa dami ng ginagawa. Hahaha, I can't believe I said that. When was I boyfriend material anyway.

---------------

Busy ako. At nakaka-frustrate kasi ako wala akong magawa dito. 
Na-realize ko na hindi na ako dapat mangarap ng breakfast in bed.
Walk around around the park.
Nights doing nothing but spend moments with each other.
Stare blankly at the stars.
Text to sawa.

All of these are starting to go down the drain,

kasi kailangan kong i-transfer sa Latex format ang SP ko.
Kailangan kong mag-prepare ng madaming documents.
Isang powerpoint presentation. No, make that two.
Group reviews.
Plan for an exhibit.

----------

Ni pagbili ng Nizoral sa Mercury Drug hindi ko na magawa. Minsan nga ang pag-inom ng Vitamin C ko, hindi ko na maalalang gawin.

I still hope to put my life back into my hands. Nanood ako ng movie kagabi. Nag-blog. Nag-facebook. Competitive programming. Madaming pathetic excuses para sabihin na marunong din ako ng time management tulad ni Ana. But the sad f*cking reality is that I couldn't.

----------

Bigla na lang siyang fa-flashback sa isip ko. Buntung hininga. Makikita siyang tumawa. Lilingon sa akin. Either bigla kong ilalayo ang tingin ko, o ngingitian siya. Hindi naman magma-matter, kasi magkakibigan din naman kami.

Gusto kong tawirin ang tulay patungo sa iyo. Tulay na gawa lamang sa lubid. Igagapos ko ang mga yayat kong braso. Isang tulay na gawa sa barbed wire. Magsasapatos ako. Isang tulay na gawa sa glass. Magpapayat ako para kayanin ang bigat ko. 

Kung kaya ko lang sana. 
Kaso hindi ako si Superman. 
Tao lang ako. 
Lalaki lang ako. 
At hindi ako ang taong nararapat para sayo. 

Isang tulay na hindi ko alam kung nag-eexist. 
Kaso hindi ako si Superman.
Hindi ko kayang liparin ang layo.
Kung maglalakad ako pababa ng bundok ko patungo sa iyo, baka wala ka na pagdating ko.
Ayokong mawala ka sa paningin ko.

Kaso hindi ako si Superman.

Sunday, November 27, 2011

Family First

9:13pm

Oo, tahimik ang bahay.
Oo, tulog na si mama.
Oo, birthday niya.
Oo, wala siyang natanggap na material gift.
Oo, lumipas ang araw na parang ordinaryo lang.
Oo, walang inuman.
Oo, kaunti ang handa.
Oo, birthday niya.

Oo, nandito ako.
Oo, dahil mahal ko siya.

Oo, nakakapagod ang linggo ko.
Oo, galing pa akong Cubao kaninang 4am.
Oo, puyat.

Oo, masaya akong nandito ako.
Oo, dahil mahal na mahal ko siya.


HAPPY BIRTHDAY MAMA! Oo, wala pa akong trabaho. Walang pera. Oras lang ang kaya kong maibigay sa'yo. Hold on ma. Matatapos din ang hirap at pagod. Wag ka mapagod ma. Kapag nagka-trabaho ako, gagaan din ang lahat. Ayaw kong malungkot at umiyak. Mas gusto kong punuin ang isip ko ng mga pangarap para sa atin.

Saka na ang totoong cake

Friday, November 25, 2011

WoW Moment No.1

November 24, 2011
Nasa third floor nga pala ang classroom namin. Pag-akyat ko ng hagdan, papunta na ng 3rd floor, nagkasalubong kami ng tingin ni W. Awkward moment. Kinilig si mokong, at kung kinulang lang ng ilang IQ, malamang natapilok na ako sa pag-akyat. Dali-daling iwas ng tingin. Awkward nga kasi.

Assume na palihim kang tumitingin sa isang tao. Kapag nahuli ka niyang nakatitig, dalawa ang pwedeng rason. Pwedeng OA ka kasi kung tumitig, tipong pansin na ng sambayanan. O kaya, nakatingin din kasi siya kaya hindi ka lang nahuli, kundi pati siya.

Maaga kaming pumasok, wala kasi ang previous class. Nag-aalinlangan pa ako kung lalapitan ko at iimbitahin sa org namin. Matapos ang ilang pa-cute moments malalim na pag-iisip, kinausp ko na siya.

"Baka pala gusto mong sumali sa org namin..."
"Pwede mo akong piliing sponsor mo."
Mga hanggang ganoon na lang ang nasabi ng dila kong nabu-bulul-bulol.

Nagsimula na ang klase. Originally, may aisle talaga sa gitna. Pero dahil may film showing kami, at nasa kaliwang side ang screen, lumapit ang mga taga kanang bahagi ng klase, kasama siya doon. Lalo siyang napalapit sa akin.

Hanggang doon na lang talaga muna.

-----
WoW Moment No.0

WoW Moment No.0

WoW. Codename namin ni Ana sa isang taong recently ko lang na kinahuhumalingan. As they say, a single status merits you with so much emotional freedom. However, I kept mine to a minimum. Maniwala ka man o sa hindi, loyal flirt ako. Or loyal hopeless romantic, kung mas prefer mo. Hehe. Loyal, because I develop infatuation to people only one at at time.

SOSC1. Abbreviation ng Social Sciences 1. Isang General Education course sa university kung saan ako nag-aaral. Hindi naman yun ang topic, so mag-move on na tayo.

November 10, 2011
Noong unang araw ng recit (recitation) class namin, sakto lang ang dating ko sa kwarto. CAS B03. Pagpasok ko, under renovation siya. Malas. Panic mode. Hilung-talilong ako sa paghahanap noong pinaglipatan. Padgating ko sa tapat ng new room assignment, nakasarado na ang pinto. I was 20 minutes late, and so I just went home. Absent.

November 17, 2011
I wasn't able to verify if the room I went to last week was really the room assignment. 10 minutes earlier ang dating ko. Sarado pa din ang pinto. Nagtanung-tanong ako sa mga tao sa paligid kung anong mga klase nila. "Ate, SOSC1 ka po ba?" tanong ko. 
"Hindi eh," fail. Tanong ulit.
"Kuya, dito ka ba sa room na 'to?"
Again, same response. Negative.

Walang anu-ano'y pinasok ko na yung kwarto.
"Bakit ba ang kayo pasok nang pasok habang nagka-klase kami?" It was a stern voice. Wrong move.

Kahit na napagsabihan ako sa harap ng 30+ na studyante, nasa good mood pa din naman ako.

Paglabas ng previous class, pumasok na kami. Madami din. Umiikot ang mata ko, naghahanap ng mga kakilala. Walang nag-register na familiar face.

Umupo na lang ako sa likod, baka kasi may mga nauna nang nakaupo sa mga upuan sa bandang harap.

Noong nagsimula na ang lecture, pinalipat kaming nasa likuran. Lumipat ako sa first row, pero sa pinakadulo lang. "Sit closer, but only if you want to," sabi ni ma'am. Ako naman, pa-bibong Senior, pumunta sa aisle banda. Ayos diba. Pangatawanan ang pagiging bibo.

Pagtingin ko sa kaliwa ko, doon ko na siya nakita. Si W.

--------------------

Nahirapan akong mag-multitask. Ang hirap makinig kay ma'am habang ina-analyze mo ang katabi mo. I did my best to have a better the best look at W in my periphery. I can only do so much.

Sadyang feelingero lang ako, pero minsan nakikita kong pinagmamasdan niya din ako sa peripheral view niya. Minsan titingin ako sa magsasalita sa likod, pero naiiwan yung titig ko sa kanya.

Para siyang anghel. Maaliwalas tignan. Tipong masarap kasama. Titig pa lang, ayos na.

Natapos ang klase nang hindi kami nagpapansinan. Ganito ako. Kuntento na sa pasulyap-sulyap at pa-feeling feeling na tinitignan niya din ako.

Sunday, November 20, 2011

A Glass of Water

9:30pm

Half-full or half-empty?

Perspective goes a long way. It makes a student happy when he has finished half of his assignment. It makes an impatient office worker miserable, knowing that he still has four more hours left for the day's work.

My friend James told me that there is another side to the story. That glass isn't exactly half-filled nor half-empty. It's always full. Half-filled with water, and half-filled with air. Drink the water, and air "pours" in.

This translates to the thought that we are never left with nothing. Something might be taken away from us. Yes most of the time to our disappointment. But He always gives us something back in return.

Wednesday, November 16, 2011

Good find

Naalala ko lang yung dati kong hobby nung highschool pa ako. Kahit point-and-shoot lang gamit ko, ang saya saya kumuha ng pictures.

Naalala ko lang nung nakita ko ang link na ito. Good night!

Tuesday, November 15, 2011

Another Life

11:06
Makes Me Wonder

When life got too tough, have you tried to just lock yourself in your room and let everything consume you until things get better? Many times I did. I even shed a tear or two, but made sure no one sees me. After a while, things got better. Lucky me, 'cause things got better. 

What if you waited for things to get better, but it really doesn't? What if things got even worse? What if there's nothing let to consume in you? Honestly, I don't know what will happen by then. 

I started to think of these things when my instructor told me of a Batch 09 Vetmed student who recently committed suicide. He was dismissed from the university and was not granted readmission. I'm not sure of the details, but I'd rather not talk about them here. May you rest in peace.

system.out.print("Thrilled")

10:56pm
Bago matulog

Naalala mo pa yung post ko tungkol sa ka-hectic-an ng schedule ko sa darating na araw? So far, I'm doing fine. Cancelled palagi ang part-time ko kaya mas marami akong time para makapagpahinga. Isa pa, kapag gustung-gusto mo ang ginagawa mo, hindi mo naman na napapansin ang oras at ang efforts mo habang ginagawa 'yun.

One at a time nga lang naman. Makakaya ko 'to.

Monday, November 14, 2011

Balik tanaw

6:36pm
May internet connection na sa apartment!

Nagbabasa ako ng mga previous entries ko sa ibang sites, at ito ang nakita ko.

---

Maybe not love. But holding on to anything could be worth my while.

Your lips, a thin stroke of fine hair, painting my eyes with joy.
Those eyes, blink as often as you like, and yet they still remain vivid with emotions.
Your body, whom I wished to touch mine even just for a while.
Your smile, and yours alone. Plus the laughter, all of whom I will cherish.

Love? I don't know, and not hoping either. Age, distance, status, the list might go on and on. The only thing that's clear to me is my desire; to look at you from afar, to admire you behind societal bars, and most of all, to be with you in my dreams.

Dated: July 19, 2010

---

Sa kabila ng kaguluhan sa Harry Potter, nagagawa ko pang gumawa ng note na ito. Hindi din kasi ako fan ng Harry Potter (movie or book). Isa pa, sa dami ng exams, naunang plano at responsibilites, kung may time man ako, itutulog ko na lang yun. Imbis na bumiyahe ako papuntang mall, ipupunta ko na lang sa barbero para maputulan ang malago ko nang buhok.

Kulang talaga ang oras.

Pero, isang bagay na pwede kong gawin kahit saan man ako mapunta, ay ang mag-isip. Magmuni-muni. Oo na, maliban sa pagtulog (kasi nagagawa ko naman yun kahit saan ako pumunta).

Lumilipad ang isip ko. Hindi lang sa malayong lugar, kundi sa malayong panahon. Kasing bilis ng isang bullet train. Palipat lipat ang mga bagay na iniisip ko. Brainjamming. Exams. Differential equations. Queueing models. Trabaho. Handouts ni Sameer. Exercises ni Sameer. Pamilya. Nami-miss nako ni mama. Maalikabok na sa kwarto. Leisure. Diko na nagawang aralin ang Kiss the Rain. Diko na napapanood ang kopya ko ng Secret Garden. Hanggang ngayon, ilang gigabytes pa ng data ang kailangan kong ilipat sa DVD. Ikaw.

Ikaw. Sh*t. Na-stuck ang utak ko. Parang naubusan ng gasolina. Parang nag-force brake.

Ikaw ang hadlang sa masarap kong pagmu-muni muni. Ikaw ang hadlang kung bakit hindi ko maintegrate ang mga DEs sa old exams na hawak ko ngayon. Ikaw ang dahilan kung bakit tumatawa ako mag-isa. Ikaw ang dahilan kung bakit nagagawa kong magkasala.

Pero higit sa lahat, ikaw ang dahilan kung bakit ako nasasaktan.

I miss you. Kahit hindi mo alam na iniisip kita. Gabi-gabi, kapag mag-isa lang ako sa bahay. Sa umaga, kating-kati ako i-text ka. Sa tuwing hindi ka nagre-reply, sinasabi ko na lang sa sarili ko na ok lang. Kasi nga, madami ka namang pwedeng pagkaabalahan.

Dated: July 16, 2011

---

A year later, and I am still such a hopeless romantic. 

Sunday, November 13, 2011

Unleash!

12:13am
Something big (literally) is coming my way

Unleashing the Superman in me. Minus the abs.

Ilang oras na lang, at guguho magsisimula na ang sandamakmak na challenges sa buhay ko. Tantiya ko, tatagal ito hanggang first week ng December.

Tinatanong ko pa rin sa sarili ko - kaya ko ba ito? Minsan kasalanan ko din kung bakit wala na akong oras sa sarili ko. Ang daming ka-ek-ek-an sa buhay na..hindi naman talaga dapat.

Madali lang ba mag-convert ng isang SP to Latex? Due: November 1.
Kailangan ko pa palang mag-aral ng madaming concepts at intrinisic functions. Try this. Due: Asap.
Education Committee Head pa ba ako? Nagiging irresponsible na talaga ako. Due: No due date.

Natatakot ako, baka sobrang ma-feel ko ang pagiging Superman, at ang ending ko, ay masira lahat lahat. Napapaisip ako, na baka sa dami ng responsibilidad, wala na akong magawa sa kanilang lahat.

Kaya ka Single eh. Wala ka nang oras. Sabi ko sa sarili ko ngayon ngayon lang. Tama nga naman.


Word for the Day: Ek-ek

Ek-ek

Ito ay ginagamit kapag sobrang dami kong gustong sabihin, pero either tinatamad na akong mag-type, or nahihirapan akong mag-multitask (sa dami ng ginagawa). Magkahawig sila ng kahulugan ng anik anik, kaso mas malandi astig pakinggan ang ek-ek.

Saturday, November 12, 2011

Organization

10:54am
Read some FB posts on the Banchetto issue

Ka-text ko lang si Bert kagabi, papunta siyang Banchetto, may lantern lighting din daw kasi. Maybe in line with 11-11-11. Yung mga lanterns ay yung tipong nasa Tangled, sabi ni Ana.

Kaso epic fail. Na-cancel yung lantern lighting/flying biglaan.

I personally view it as the organizer's fault. Pero yung mga tao, kung makapag-react sa Facebook page ng Banchetto, nagmumukha tuloy pangit ang ugali. Siguro, kung nandoon ka, iba yung mafi-feel mo, oo. I might be pissed off. Pero pwede mo namang i-translate yung galit sa ibang forms, tulad nang hindi na pagtangkilik. Which I doubt will happen.

Just my 2 centavos on the matter. 

---

Papunta na akong SM South/SM Center mamaya. Ngayon pa lang ako bibili ng school supplies.

---

Mahirap talagang mag-organize. Nag-aalala tuloy ako sa PalaCASan.

Thursday, November 10, 2011

Happy Birthday! at iba pa

11:45pm
Birthday pa din ni Merryl

HAPPY BIRTHDAY MERRYL CANLAS!

Hindi ikaw ang pinaka-mature na kaibigang nakilala ko. Pero masaya ako na nakilala kita. Nagagawa mo akong pasayahin at ipamukha sa akin na No Man is an Island at dapat tayong maggamitan. Kidding. Nagagawa niyang manakal nang tao, minsan in a good way, minsan in a bad way, pero dahil masaya naman kayo kapag kasama niyo ang isa't isa, balewala na yung pananakal.

Sana sa pagtanda mo, mas maging emotionally mature ka, at makita mo ang mga taong tunay na nagmamahal sayo.

----

Classes. Work. Officer's responsibilites. It's hard to juggle them all at the same time. But I know He won't give these to me without a purpose. So I'll keep on hanging on. Masaya dapat ako dahil isang sem na lang at matatapos na ang buhay college ko. I am eager to see the world outside.

----

Napansin ko, palaging heavy ang laman ng blog ko. Kaya, babati muna ako.

Congratulations to:

Ana, for overcoming her issues regarding her Espi. Ate, congrats!

Rowie, our newly elected Finance Committee Head.

Myself, for sleeping before 12 midnight. Bihira ito, pramis.

----

O siya. 11:55pm na. Good night!

Sunday, November 6, 2011

You again

Pagbigyan mo na ako bloggy. Text niya kagabi.

... Don't let life bother you. Everything will fall into place at the right time. ...

Such comforting words. Sabi ng kaibigan ko ngayon ngayon lang, "Yan ka na naman. Parang nong kay ... lang."
I don't know. 
This time, it's different. 
This time, hindi niya malalaman. 

Mabudlay gud man

1:16pm
Sunday

Mabudlay. Waray term. Yung feeling na Sunday kasi kaya parang ang bigat ng katawan mo at dapat ka lang magstay sa bahay. Mabudlay

Sila mama at lola nanonood ng Secret Garden sa DVD. Ako nagne-net nang hindi alam kung saan patungo. Tinatapos ko pa din ang SP ko. Sumagi na naman siya sa isip ko. Ang gulo ko. Kaya ang sarap maging single eh. Walang alalahanin. Seryoso. Hindi ba?

Don't get me wrong, naranasan ko din namang magkaroon ng relasyon. One year plus din. Masarap siya. Pero kasing sarap din noong thought na single ka.

Word for the Day: Espi, SP

Special Problem (SP)

Espi kung madalas tawagin ng mga tao sa college namin. Isang course. Wala kasi kaming thesis, espi lang. So siya yung parang thesis namin. Three units. Tatlong libo kung ibabagsak. Nagpapanggap na three units, pero in reality, time consuming at emotion consuming siya, na parang 18 units ang kinukuha mo.

Last Night

11:23am
Ang taba ko na talaga. Bum.

Habang humihigop ako ng mainit init na sabaw ng tinola. Inaalala kita. Nakakain ka na ba? Gusto kita i-text. Kaso baka ma-obvious ako. *laughs* Di pa ba ako obvious kagabi.

Texts mo kagabi:

I'm home now. Ingat ka ha. Glad to have met you finally. Text me when you're home.

Yup. I'm home now. Nasa biyahe ka pa yata? Don't forget to text when you're home so I'll know that you're safe, k?

Kahit nahihilo ako habang nagte-text sa biyahe, pinilit kong i-text ka. At madami pang iba. Masaya ako. Hanggang paggising ko kanina, ikaw pa din iniisip ko.

14 Years

1:36am
Kauuwi lang ng bahay


Have you ever wished that you were born a few years back?

At this time of typing, kauuwi ko lang ng bahay. Pagod. Andaming tumatakbo sa isip ko. Puro paano-kung, sana, at bakit. Alam ko namang may dahilan Siya sa lahat ng ito. Masarap isipin na may sagot sa lahat ng mga itatanong ko. Pero hindi ako umaasa.

Bakit kasi kailangang matanda ka?
Oo, nagkakagusto ako sa mas matanda. Kaso, ikaw? Magkakagusto ka ba sa mas bata? We're talking 14 years gap. Ang layo. Parang gusto ko hilingin na sana ipinaganak tayo nang sabay. Parang soulmates. Kaso ako din mismo ang magbu-burst ng sarili kong bubble. Gumising ka. 14 years. Andaming komplikasyon. Alam ko iyon. Mas mahirap umasa.

Bakit mukha akong walang sense kausap?
Ganoon ba talaga ako? O nung dumating ka lang. Nakaka-distract ka. Seryoso. Gusto ko magsalita ka lang nang magsalita. Kahit ano. Kahit di kita maintindihan. Basta makita kitang nagkukuwento. Nakaka-frustrate kasi di ako masyadong maka-relate. Anong ikukuwento ko, mga subjects ko? Yung SP (parang Thesis) na hindi ko pa matapos tapos? Yung frustrations ko? Puro ganun. Maririndi ka.

Bakit ang cute mo?
Self-explanatory.

Paano kung ligawan kita?
Ay, hindi pala ako marunong. Sabi mo torpe ka pa. Paano na iyan? Sana mabasa mo tong post na ito. Pero anong point? Wala din pala.

Sana may gusto ka na lang din sa akin.
Paano kung mayroon nga? Kahit malabo. Feeler ako, pagbigyan na. Noong una pa lang kita nakita, iba na eh. Ku-kuwento ko sa lovelife mo. Nakikinig ako. Hindi masakit, para akong umaasa na may sana-ako-na-lang look kapag tinitignan kita, o kaya ang facebook account mo.

Bakit hindi ka maalis sa isip ko?
Uh, hindi ko din alam. Gusto kita mayakap.

Ano ba ito?
Ayoko talaga ng feeling na may crush sa akin ang isang tao. Ibang issue na din ito. Hindi ako sanay. Mas sanay ako na ako yung may crush. Ako yung umaasa sa wala. Ako yung nangangarap na alagaan ang tao. Yung feeling na safe ka sa bisig ko, kaya ok lang, wala kang dapat alalahanin.

Bakit ang haba ng post na ito?
Ako lang naman yata ang makakaintindi nito. Hindi ka naman kaya nagbabasa ng blog ko. Well, mabuti na din iyon. Dito ko ilalabas lahat ng feelings ko para sa iyo. Dito lang naman ang tanging kalalagyan nito. 

Ano pa?
Sana may internet connection ako 24/7. Isu-stalk kita. Magda-download ako ng pictures mo. Gugustuhin kita nang hindi mo nalalaman. Ako yung kaibigan na umaasa nang hindi mo mapapansin. Ganoon ako. Ganoon ang naidudulot ng 14 years gap. Kainis.

Ano pa ulit?
Gusto ko makita ka ulit. Yung tipong bata lang ang tingin mo sa akin, pero ako iba. Masaya ako, kasi kasama ka. Kahit sino pa kasama natin. Basta makikita kita.

Wala na ba?
Last na. Sana hindi mo ito mabasa. Masakit na malaman na wala akong pag-asa.


What a happy couple.

Friday, September 9, 2011

Me-Time: On Family

10:10pm
Thinking

I always wanted a family. Maybe because of the family that I had, that was seldom incomplete, or for a reason I don't know. Two kids. One boy. One girl. Ang saya ko siguro kapag nagkaganoon.

My life-clock is still ticking. Minsan sasabihin ko sa sarili ko, "matagal pa." O kaya, "bahala na." Sa bagay, bata pa naman ako. Hindi pako nagta-trabaho. Marami pang pwedeng mangyari. Marami pang taong pwedeng makilala. Pwede pang mabago ang isip ko sa pagpapamilya.

Oh well. Two kids. One boy, one girl. I should be happy and contented by that then.

Uhh..lone.

9:38pm
Alone

Kahit nagtitipid ako sa load, nag-unli ako. Kahit nagtitipid, nagpunta ako sa computer shop. Iba talaga kapag mag-isa ka lang. Parang ngayon. Walang makausap. Walang makasama. Mahirap din pala talaga.

Naalala ko yung ex ko. Sa tinagal naming magkasama, sa dalawang bagay lang talaga siya natakot. Una, ang mamatay. At ang pangalawa, ang mag-isa. Noong magkasama kami, naintindihan ko pa yung unang kinatatakutan niya, pero yung pangalawa, hindi ko maintindihan, at madalas nagiging ugat pa siya ng hindi namin pagkakaintindihan. Leche nga kasi hindi naman yata yun natakot na mawala ako. *laughs*

Pero ngayon na mag-isa na naman ako, nalalagay ko ang sarili ko sa kanya. Hindi pala sapat yung maraming trabaho. Hindi sapat ang TV. Noong nasa kwarto ako, pakiramdam ko ang layo ko sa mundo. Mabigat sa pakiramdam.

Sa paglalakad ko papunta sa computer shop, mas naging ayos ang pakiramdam ko. Nakakita ako ng mga tambay sa kanto. Kinausap ko ang tindera para magpa-load. Kinausap ko si Kuyang Moderator sa counter. Para akong nabunutan ng tinik.

At bigla kong naalala ulit ang mga dati kong pangarap sa buhay. Nagmumuni-muni na naman ako.

Sunday, September 4, 2011

Me-Time @ SM Southmall

8:42pm


8:00-ish. 
****, tuloy ba? Sent.

Waiting.

10:00-past-ish. 
<Insert_blogger's_name>, sensya. Pass muna...
...Bawi na lang ako sa susunod.
Gandang umaga. Sensya late rep. Kagigising lang.


What a bad start. My friend could've told me the night before. Para naman mas maaga ako nakapunta mag-isa. Makes me think that people who get into relationships change. A lot.
Looking back, I see myself acting the same. Pass sa gimik. Pass sa bonding. Nakakalimutan na yung mga kaibigan.

And now it's all happening to me.

Don't get me wrong, I'm not a wet blanket. I do want my friend to live the happy romantic life that my friend deserves. But, please don't waste the time of others. Kapag may schedule na nai-set, and something regarding the relationship comes up, I'd totally understand. But don't leave me hanging. I have feelings too, you know. Kahit single ako.

Anyway, pinangatawanan ko na ang pagiging single ko. I went out on my own. Muntik nang mapanis laway ko, kasi wala akong makausap sa mall. So ang ginawa ko, kumakanta ako paminsan-minsan. Nakikipag-biruan (feeling close) sa mga saleslady.

Actually, I enjoyed the time. More than four hours akong naglakad. Sayang, kung may pera ako, mas madami nabili ko. 3-day sale sa SM Southmall. Matagal akong pumili, pero mas matagal akong pumila sa fitting room. Nakailang balik. Kapagod. Pero masaya.

SP (Special Problem) mode na maya maya.

Marcelito Pomoy

12:45am
National Pride


I was browsing a few videos until I cam across this guy. I can't say anything more. It makes me proud to be a Filipino watching him. I wish I had the time to watch him perform in PGT. Kaso busy ako. Enjoy!
Sale bukas sa SM Southmall. Gusto ko ng red shirt. Weee.


Monday, August 29, 2011

jdlfkwlekjwqfkekjedvjkejfleqkjwvnmdnv.

Mahigit trenta minutos na akong tulala sa screen ko. Just browsing some pictures. I have a small crush for someone out of reach. Sarap mong yakapin. 
jdlfkwlekjwqfkekjedvjkejfleqkjwvnmdnv. 
Ganyan ang mangyayari sa dila ko kapag nagkausap tayo. Kung makakausap kita. Ayiee. Pahingi nga ng emoticon na malandi.  *laughs*

Day Two: Leisure Night

3:42am
Patulog na

I had a 66.67% productive day. Two out of three sa task ko ay na-accomplish. *clap clap*

Sa lakas ng panahon (dahil yata kay Mina), hindi talaga pwedeng makapag-jogging. Buti na lang nagawa pa ding makahanap ng tiyempo para makapagsimba. Ambilis ng pangyayari, 8pm biglaang dinner-date sa Chic-boy with HS friends Dung and Danj. Ang saya. Muntik ko nang makalimutan na first time ko sa Chic-boy nun.
Dung: Ano twitter account mo?
Ako: Sorry, wala akong twirrer. (sabay ikot pa ng dila)
Some of these things, kami lang talaga ang nagkakaintindihan. That's a good thing about friends. At times, you laugh for no reason. You tell each other jokes. Nagchi-chismisan kayo sa likod ng isa't isa, pero ok lang, kasi sa dulo nag-iikutan lang naman ang bali-balita. Makakarating din ang pamba-backstab nila sayo. Lambingan lang ang labas.

Masayang panapos sa gabi ang isang magandang palabas. Good night. *wide grin*


Check out: Day One, Day Two

Sunday, August 28, 2011

Day Two: Leisure Day

9:57am
Paligo na

I woke up to the sound of my phone. Nyemas, hindi ko na-silent. *laughs* Unknown number.
Ako: Hello good morning.
Girl: Hello ******? (anonymous blogger pala ako)
Ako: Umm, Shan?
Girl: Hindi, si Clarissa.
Ako: Oh, bakit?
Et cetera. Haba ng usapan, magpapatulong pala sa thesis, Stat Analysis. Nyemas ulit, eh ginapang ko 'lang yung STAT 1 at STAT101 ko. *laughs* Natatawa ako, kasi alam kong wala silang makitang iba kaya sakin na lumapit. Pagkatapos nun, hindi na ako nakatulog.

Breakfast, konting research (dahil fail ang Day One), maliligo maya maya, then magsisimula na talaga ang Day Two.

Game Plan:
- Jogging sa PhilAm park
- Magsimba
- Movie (DVD)

Saturday, August 27, 2011

Day One: School Stuff

11:30pm
De-stressed

Minsan 'lang to mangyari, kaya lulubus-lubusin ko na. May apat na araw kaming bakasyon, mula Sabado hanggang Martes. Hindi ko alam kung anong pwedeng mangyari, kasi hindi naman palaging nasusunod ang mga plano ko. Go with the flow na lang.

Day One was meant to be for schoolwork. Err, schoolwork + net = fail. By 7pm, I was sad. Madami akong nalaman. I shouldn't be affected, but I was. By 7pm, frustrated na ako kasi puro Facebook at PinoyExchange na lang ang laman ng web pages ko. Frustrated ako kasi hindi natuloy ang lunch date namin nina Ahyla at Byron. Frustrated ako kasi lahat ng tao sa paligid ko may pinagkakaabalahan, habang ako wala.

To cut things short, I grabbed my coinpurse, went straight to the nearest store, bought two 500-mL bottles of you-know-what, and the next thing I knew, I was watching Little Red Riding Hood. Until 11pm. 

So Day One really served its purpose: School Stuff. 
Day Two: Leisure Stuff.

Friday, August 26, 2011

Our eyes can never lie

Pag-uwi ko papuntang Las Pinas, dadalhin ko lahat ng bigat na nararamdaman ko. Hindi ko din alam kung bakit ako nagkakaganito. Kaya kong ngumiti. Kaya kong tumawa. Pero hindi yata ako masaya.

May nami-miss ako. May hinahanap ako. Hindi ko matukoy kung sino, o ano. Basta parang may kulang. Parang may hinahanap ako na hindi ko makita.

Monday, May 30, 2011

Mixed emotions

5:30 pm




Medyo heavy ang usapan namin ng kaibigan ko.


"Di kaya taken for granted ka?"


Nilunok ko ang katotohanang pwede ngang ganoon. Ayoko nang ganitong feeling. Paulit-ulit?


Kapag tinanong ako regarding my relationship status, ito ang sasabihin ko:


Ay sorry. I'm taken.. for granted.

A must-share happening

4:38 pm
Fresh pa sa alaala


Oo, sa kabila ng pagpupuyat, masaya naman. This past week, I could hardly get four hours of sleep in a day. It all started last Tuesday.

Umuwi ako ng bahay sa Las Pinas. Saktong bumuhos ang ulan. Ang kawawang bata, basang basa. Hindi kaya ng payong ko ang mala-horizontal na patak ng ulan, sorry naman. Pag-uwi ko sa bahay, nakahinga ako ng malalim. Matapos ang ilang araw na trabaho (Practicum), makakapagpahinga na din ako. Makakapagpahinga. Pahinga. Pahinga. Parang jackpot sa lotto ang salitang iyan.

Wednesday morning, niyaya ako ni mama na bumili ng groceries. Actually, ayoko talaga, sabi ko sa sarili ko, pahinga ko na nga ito eh. Kaso, dahil ako na ang pinakamaasahang lalaki sa bahay, may hiya sa akin. Well, dalawa lang naman kami ng kapatid ko. Sa madaling salita, pumayag nako.

Pagdating ng gabi, may tumawag. Unknown number. Sinagot ko. Hello hello pako. Sumagot siya in hard English. Hard kasi ang tigas talaga. I am assuming na Indian siya, o Bumbay, mga ganun. Nagpapa-tutor sa Math, sa anak niyang 13 years old. Pinapupunta ako ng Laguna kinabukasan, kahit anong oras sa umaga o sa hapon. Nag-decide akong sa umaga.

Nakita mo na? Nasaan ang pahinga ko diyan? Oh well, balik sa kuwento.

Nag-usap na kami nung Indian. Taga-IRRI pala. Wrong move eh. Dapat tinaasan ko singil ko. *laughs* Alas-10 nagsimula na kami kaagad. Araw-araw sa loob ng apat na araw. Pag-uwi ko ng hapon, handouts agad ang ginawa ko. Thursday, natapos na din sa wakas.

TGIF! Kasi sa gabi, magkikita kami ng 2 kaibigan ko (among many others). Sa internet ko lang sila nakilala, at first "eyeball" ko ito kung sakali. Sa sobrang dami ng ginawa namin, 2am nako nakauwi ng apartment ko sa Laguna. Friday, pagod na naman.

Saturday is still work day. Kinahapunan, may nakasama akong ibang grupo ng tao. Sa Pansol kami nagkita-kita. They rented a resort overnight. Videoke, konting alak, maraming tawanan. Sa sobrang sya, past 5am na ako nakarating ng apartment. Puyat na naman.

Ewan ko ba. Pagod na pagod katawan ko. It's a personal choice, pero kaya pa naman.

Ngayong linggo, school stuff ang aasikasuhin ko, kasi pasukan na naman next week. Busy busy. Sa sobrang busy, hindi ko magawang malungkot dahil mag-isa ako sa apartment buong araw. Ganoon ka-busy.

Dahil wala tayo sa karera

4:24 pm


Kagigising ko lang sa mahabang pagkakatulog. Tumingin ako sa phone, 6 messages. Karamihan GM. Nung tinignan ko kung gaano karami na ang texts sa inbox ko, nasa 500+ na. Nahihirapan akong burahin kasi.. kasi.. wala akong oras.

Ganoon na ba ako ka-busy? Marahil hindi ko na din nakikita ang pagtanda ko. Ambilis ng mga pangyayari, at para sa akin, masama ito. Ikaw ba, gugustuhin mong magising at makita ang sarili mo na nagta-trabaho, tapos sa isang kisapmata, may pamilya na, at pagkatapos ay matanda ka na?

Hindi naman kasi rat race kung ituturing ang buhay natin, or at least ang buhay ko. Walang paunahan na dapat mangyari. Pero kung titignan mo ang iba'y nag-uunahang makatapos, at makapagtrabaho, at the expense of their health and time.

Inaamin ko, napipilitan akong gawin ang mga bagay na sa tingin ko ay hindi ko pa naman dapat ginagawa, tulad ng pagta-trabaho. Sa ngayon, kabababawi ko lang ng ilang oras na tulog mula sa puyat. Yung mga ibang araw na pagpupuyat ay hindi ko pa nababayaran. Sabi sakin ni mama dati, "Anak, iba pa din ang tulog sa gabi, hindi mapapalitan ng tulog sa umaga." Kung ganoon, edi baon nako sa utang sa tulog. Simula pa lang ng high school, suki nako sa pagpuyat. Naranasan mo na bang matulog nang nakaupo para madali kang magising at hindi ka ma-late? Naranasan mo na bang makatulog sa klase, at pagalingan pa ng pagtago para hindi kayo mahuli ng teacher? Naranasan mo na bang umabsent na lang kasi tanghali ka na nang nagising?

Sa huli, ang epekto ng pagmamadali natin sa buhay, babalik at babalik din naman sa atin. Sana nga, kahit mahirap, ay maibalik ko ang aking sarili sa normal na pamumuhay. Walang pagmamadali, walang pagsisisi.

Wednesday, May 25, 2011

When ego breaks

11:26 am
Guten morgen mon amour




I finished talking to someone over the phone past three in the morning. I am currently dating someone, kaso wala pang personal meetup. Prolly on the 27. *blush*

Though most things are going on smoothly (for me), my ego isn't having the same luxury of comfort. Siguro nga ang usupang ex-es ay hindi maganda. Ang liit ko na nga, lalo ko pang na-feel yun. *sigh*

Why do I have to go under these series of inferiorities? Hindi naman ako dating ganito. The only explanation I can see is that I want to look my best on front of you. And I can only do so much.

Anyway, ililihis ko na muna ang isip ko. 27 and 28 will be verrry exciting. Pati pala ang pinagagawa sa akin ni Sir Rabajante.

Bonne nuit

10:46 pm
Katatapos 'lang ng isang tawag




As usual, very hectic na naman ang schedule. Hindi dahil sa sikat ako, or kung ano man (feel ko naman diba). Sadyang TAMAD kasi ako. Alam mo 'yung taong magigising 'lang para mag-toothbrush, mag-almusal, mag-laptop buong araw? Ganoon ako noong mga nakaraang araw. Paggising ko na 'lang, tambak na pala ang mga dapat kong gawin.

Mental note ng mga dapat gawin:

EduCom stuff
Dahil na-elect ako sa posisyong ako din naman ang may gusto, dapat ko nang paghandaan ang mga bagay-bagay. Malapit na din ang mga activities. Kailangan ko din sigurong magpa-committee meetings.
SP stuff
Nagyon pa lang dapat magsimula na ako. Pag-uwi ko ng Las Pinas, dalawang scholarly readings na ang hawak ko.
Blog
Kung makapagsasalita lang ang blog ko, magtatampo na siya. Matagal tagal ko na din kasing hindi nabibisita si blog. Kasama na dito ang pagpunta sa blog ng mga kaibigan ko.

Sunday, May 8, 2011

Two's A Crowd - Chapter 7

Naglakad kami ni Ai sa daan pabalik sa aking nakaraan.

-----

Ang laki ng ipinagbago ko noon. Matapos ang insidente noong aking 9th birthday, para akong nawalan ng kaluluwa. Walang salitang lumabas sa akin. Walang na ‘yung mga matatamis na tawa ni Toper. Kahit nga daw pag-iyak. Para akong nabubuhay na patay. Kumakain, naglalakad, natutulog, humihinga. Nakatulala ‘lang ako maghapon. Ilang espesyalista na ang tumingin sa akin, nabaon na kami sa utang, pero walang progress na nakikita sa kalagayan ko.

Pinahid ko ang gilid ng aking mga mata, iningatan na hindi ito makita ni Ai. Nagtuloy ako sa pagkukuwento.

Ang sikap sa akin ni mama noon. Ilang buwan din akong nag-undergo ng medication at rehabilitation.

Akala nila mama, hindi kakayanin ng katawan ko.

Nang hindi na naming kayang bayaran ang medical expenses, inilalakad na ‘lang ako ni mama sa parke araw-araw. Makalanghap man ‘lang ng simoy ng hangin.



Isang taon na ‘din ang nakalilipas simula ng birthday ko. Nasa trabaho pa si papa, mamaya na kami mag-se-celebrate.

Iniupo ako ni mama sa isa sa mga benches dito. May lumapit sa amin.

“Anong pangalan mo?” tanong ng isang lalaki, mga kasing edad ko ‘lang din. Tinabihan niya ako sa aking pagkakaupo.

“Ako si Buesser Bicaldo, Wes for short. Ngayon ‘lang kita nakita dito ah. Hiii,” saka inabot ang kamay.

Wala siyang nakuhang sagot sa akin. Nakaupo pa rin ako sa bench.

“Ang daya mo naman, ang dami ko nang sinabi ha. Turn mo na, dali. Anong pangalan mo?”

“Anak, siya si Toper. Tahimik talaga siyang bata. Pero sige, kausapin mo ‘lang, mabait naman iyan,” sabi ng mama ko sa kaniya.

“Sige anak, yayain mo na si Toper,” sabi naman ng mama ni Wes.

“Sige po. Tara Toper!”

Napatingin ako sa kaniya nang buhatin niya ang yayat kong katawan. Pinasan niya ako sa likod. Sinuportahan niya ang puwet ko ng dalawa niyang kamay. Itinakbo niya ako hanggang sa isang fenced area.

“Naglalaro ka ba ng bola?”

“Ayy, ayaw pa ‘ding magsalita. Masubukan na nga ‘lang. Saluhin mo Mr. Sungit!”

Parang isang ilaw na tumilapon sa akin ang bola.

Hindi ako handa sa pagdating ng bola.

Dumikit ito sa dibdib ko bago tumalbog. Napatihaya ako sa nangyari.

Nakita ni mama ang nangyari. Silang dalawa ni Wes ay nag-unahan para puntahan ako. Kasunod sa likod ang mama ni Wes.

Sa kamamadali, hindi napansin ni Wes ang bolang papunta na sa kanyang binti.

Nadapa siya. Tumilapon ang katawan niya sa ere.

Lumapag siya sa katawan ko. Sa lawak ng damuhan sa akin pa. Akala ko, para akong rubber ducky na made-deflate.

Naluha si mama pagkakita niya.

Sa kabila ng pagkakapatong sa akin ni Wes. Sa kabila ng malaki niyang katawang nakapatong sa akin.



Sa loob ng isang taon, nakita nila akong tumawa.

Saturday, May 7, 2011

Two's A Crowd - Chapter 6

Last class.

May babaeng sumalubong sa akin. Hindi ko kilala, pero alam kong nagkita na kami dati.

Yumakap pa siya. Yung friendly hug na yakap. Hinayaan ko ‘lang.

Mahigpit, matagal-tagal din, pero wala akong ginawa.

“Toper, tara naaa.”

Hindi ko magawang masabi ang mga iniisip ko. Kung sino man itong babaeng ‘to, dapat kong malaman. Kung ano man ang napagsamahan naming kahapon, dapat kong maalala. Kung may magagawa ‘lang ako. Kahit magsimula ulit kami sa simula, tipong magkikilanlan pa ‘lang ulit.

Puro kung. Alam ko naman na hindi pwede.

Sa klase, pilit siyang nagpapapansin. Mangangalabit dito. Mambabato ng maliit na crumpled paper kapag di nakatalikod ang teacher. Magsusulat ng heart at kung anu-anong scribbles sa gilid ng notes ko.

Sa lahat ng ginawa niyang iyon, mga pilit na ngiti at tawa ‘lang ang nagagawa ko.

Kailangan kong lakasan ang loob ko.

Sa gitna ng tuluy-tuloy na pagtatanung ng teacher namin, huminga ako nang malalalim.

“Umm, Irene..”

“Irene ka diyan! Tatay kita? Mga magulang ko ‘lang tumatawag sakin ng ganiyan eh. Ai. Ai. Ai,” sabay dila.

Napatawa ako. Kay sweet na bata.

“Gusto sana kitang yayain lumabas after ng klase. May gusto ‘lang akong sabihin. Pe-pe-pero, wala ‘lang iyon. As in tamang kwentuhan ‘lang talaga,” walang ekspresyon ang mukha ko.

Papayag ka kaya?

Sabay nag-bell na.

“Ah, hehe. Umm..” syet, nagba-blush siya. Wrong move ba ito?

“Sa labas na tayo mag-usap,”

Habang palabas ako, ngumiti ako na para ‘bang anlaking accomplishment nito.

-----

Naglakad-lakad kami sa isang maliit park sa loob ng campus. First time kong maglakad nang may kasamang ibang tao sa lugar na ito.

“Bakit mo naisipang magyaya? At may disclaimer ka pang nalalaman. Pwede naman kitang samahan kung wala ka talagang ibang mayaya,” at tumawa na naman siya.

Walang pasabing pinisil ko ang dalawa niyang pisngi.

Hindi ko alam kung bakit, basta pinisil ko ‘lang.

Hindi kami nakagalaw.

Hanggang sa lumuwag ang pagkakapisil ko. Hawak ko na ang pisngi niyang malambot.

Kinabahan ako.

Tama kaya ‘tong gagawin ko.

Ai, pumalag ka. Sampalin mo ko. Tumakbo ka palayo.

Pero hindi.

May mga nalaglag sa lupa. Mga notebooks niya. Parang nagulat siya, at pupulutin na sana niya ang mga iyon, pero hindi ko hinayaan.

“Ai, may sasabihin ako.”

“Ano ‘yun Toper?”

Sumabay ang kapaligiran sa aking emosyon. Humina ang hangin, tumahimik ang mga ibong kanina’y naghahabulan. Nagtago ang araw sa likod ng mga maiitim na ulap.

“Hindi ako si Toper.”