12:28am
Because Friday is Hectic Day
Kapapalabas lang sa "Tunay na Buhay" sa GMA ang isang 26 taong gulang na multi-millionaire. Napa-WOW na 'lang ako. Pero imbes na laki ng halaga ng kayamanan niya, iba ang sinipat ng aking isipan. May oras pa kaya siya para mabuhay?
Balik sa pagmumuni-muni na naman ako. Siguro dahil mahaba ang "spare" time ko, nagagawa kong humilata at mag-daydream ng kung anu-ano. Pero teka, "spare" time nga ba? Parang nakaw na saglit ang tawag dun. Buong linggo akong napagod, nagtrabaho, at nag-aral, na nagtataka pa din ako sa malaki kong bilbil. Kahit nga millisecond gagamitin ko para umidilip. Kidding.
SA work (Ang SA ay Student Assisstant), exam sa STAT 101, research paper sa MATH 175.. Hmm, may nakalimutan pa ba ako? Madami akong inaalala. Ay, PI100 workshop pa pala, na magsisimula nang 8am mamaya. Workshop sa SMM sa Lunes. Things to read: Noli at Fili, A Beatiful Mind, handouts sa NASC 9 para sa exam sa Feb 3. Mathenyo questionnaires. ORSP Student Conference. ORSP Student Conference. Hmm, makagawa nga ng separate post para dito. Hihi.
Kailangan ko pa bang ilista lahat? Parang approaching infinity naman ang listahan ko ng things-to-do. Hinga konti Yuichi. Hinga nang konti.
Kanina, nagawa ko pang mag-table tennis. That's a good sign. Nag-jog ng isang round sa fpark at field. Kumain ng lomi kasama si Sir sa isang kainang unang beses kong nakainan. Na-realize ko, I do think I am still living a life. May at least 5 hours akong tulog araw araw, on the average. O diba? Masaya din naman ako sa gitna ng ka-hectic-an ko.