April 22, 2011
11:56 pm
Exhausted. Subo ang isang matabang ice candy. Sarap.
Kung may hindi man ako inaasahang mangyari sa buhay ko, iyon ay ang maging relihyoso. Not even in my dreams. Hindi sa hindi ito cool. Tingin ko kasi, budbod ito ng responsibilidad.
Pero kanina, nag-iba ang lahat. Sinong mag-aakalang sasama ako sa prusisyon, maglakad ng mahigit dalawang oras alang-alang sa pinakaiingatan kong pananampalataya?
Sabi ko nga sa nakausap ko sa Facebook kanina, "Parang na-refresh ulit ako." Feel ko Katoliko ako. O di kaya naalala ko ulit na may Diyos akong sinasamba, kinatatakutan, at kinikilalang Panginoong Tagapagligtas. Wow! Parang pang-telenovela ang dating.
Sana may dala akong cam, pero wala eh. Imagine-in niyo na lang na naglalakad akong may hawak na kandila. One moment, seryoso. Maya-maya nagtatawanan na. Maya-maya pa'y nasusunog na ang styro cup na ginamit kong lalagyan ng kandila. Fail talaga. *laughs*
Bukas (or mamaya), may Easter Vigil. Ito talaga yearly naming ginagawa. Hindi ko man masabi na pahinga ang bakasyon ko, nag-enjoy naman.
No comments:
Post a Comment