Thursday, April 28, 2011

Prologue

TEEEEEEEEEET!

Maya-maya pa’y may tumilapon sa ere. Akala mo’y di mahulugang karayom ang tao. Nagsisigwan na ang karamihan. Ang iba naman, pinipigil na lamang ang paghinga.

Ayan na.

Noong malapit na siyang lumapag mula sa mala-agilang paglipad, may isang lalaki namang lumapit upang gawin ang kanyang makakaya upang iligtas ito.

Bakas sa kaniyang mukha ang pagkadismaya.

Nabigo siya.

TEEEEEEEEEET! Out!

Nakahinga na ang karamihan.

“Grabe. Magfi-fifth set pa!” ungos ng isang avid sports fan.

Para namang milyon ang pustahan para sa championship. Kaniya-kaniyang cheering squad. Aba, parang tatapatan pa ang UAAP Basketball sa pagkabongga.

Score, 12-9.

Sa kalagitnaan ng maraming manunuod, may isang walong taong gulang na batang nandoon din. Bulag siya sa mga pangyayari sa kaniyang paligid. Sariling mundo’y kanyang inangkin. Pagtingin niya sa kaliwa ay nakita niya ang amang sabik na sabik sa laro. Pagtingin niya sa harap..

Liwanag. Nakakasilaw na liwanag ang bumangga sa kaniyang mukha.

Liwanag na din ang huli niyang naalala.

Liwanag, pagkatapos ay biglang dumilim na ang lahat.

“Toper! Toper, anak!” sabi ng amang nataranta pagkakita sa anak. Sinalo ng mumunting mukha ang spike na sana’y off the blockers ang pakay.

No comments:

Post a Comment