Monday, May 30, 2011

Mixed emotions

5:30 pm




Medyo heavy ang usapan namin ng kaibigan ko.


"Di kaya taken for granted ka?"


Nilunok ko ang katotohanang pwede ngang ganoon. Ayoko nang ganitong feeling. Paulit-ulit?


Kapag tinanong ako regarding my relationship status, ito ang sasabihin ko:


Ay sorry. I'm taken.. for granted.

A must-share happening

4:38 pm
Fresh pa sa alaala


Oo, sa kabila ng pagpupuyat, masaya naman. This past week, I could hardly get four hours of sleep in a day. It all started last Tuesday.

Umuwi ako ng bahay sa Las Pinas. Saktong bumuhos ang ulan. Ang kawawang bata, basang basa. Hindi kaya ng payong ko ang mala-horizontal na patak ng ulan, sorry naman. Pag-uwi ko sa bahay, nakahinga ako ng malalim. Matapos ang ilang araw na trabaho (Practicum), makakapagpahinga na din ako. Makakapagpahinga. Pahinga. Pahinga. Parang jackpot sa lotto ang salitang iyan.

Wednesday morning, niyaya ako ni mama na bumili ng groceries. Actually, ayoko talaga, sabi ko sa sarili ko, pahinga ko na nga ito eh. Kaso, dahil ako na ang pinakamaasahang lalaki sa bahay, may hiya sa akin. Well, dalawa lang naman kami ng kapatid ko. Sa madaling salita, pumayag nako.

Pagdating ng gabi, may tumawag. Unknown number. Sinagot ko. Hello hello pako. Sumagot siya in hard English. Hard kasi ang tigas talaga. I am assuming na Indian siya, o Bumbay, mga ganun. Nagpapa-tutor sa Math, sa anak niyang 13 years old. Pinapupunta ako ng Laguna kinabukasan, kahit anong oras sa umaga o sa hapon. Nag-decide akong sa umaga.

Nakita mo na? Nasaan ang pahinga ko diyan? Oh well, balik sa kuwento.

Nag-usap na kami nung Indian. Taga-IRRI pala. Wrong move eh. Dapat tinaasan ko singil ko. *laughs* Alas-10 nagsimula na kami kaagad. Araw-araw sa loob ng apat na araw. Pag-uwi ko ng hapon, handouts agad ang ginawa ko. Thursday, natapos na din sa wakas.

TGIF! Kasi sa gabi, magkikita kami ng 2 kaibigan ko (among many others). Sa internet ko lang sila nakilala, at first "eyeball" ko ito kung sakali. Sa sobrang dami ng ginawa namin, 2am nako nakauwi ng apartment ko sa Laguna. Friday, pagod na naman.

Saturday is still work day. Kinahapunan, may nakasama akong ibang grupo ng tao. Sa Pansol kami nagkita-kita. They rented a resort overnight. Videoke, konting alak, maraming tawanan. Sa sobrang sya, past 5am na ako nakarating ng apartment. Puyat na naman.

Ewan ko ba. Pagod na pagod katawan ko. It's a personal choice, pero kaya pa naman.

Ngayong linggo, school stuff ang aasikasuhin ko, kasi pasukan na naman next week. Busy busy. Sa sobrang busy, hindi ko magawang malungkot dahil mag-isa ako sa apartment buong araw. Ganoon ka-busy.

Dahil wala tayo sa karera

4:24 pm


Kagigising ko lang sa mahabang pagkakatulog. Tumingin ako sa phone, 6 messages. Karamihan GM. Nung tinignan ko kung gaano karami na ang texts sa inbox ko, nasa 500+ na. Nahihirapan akong burahin kasi.. kasi.. wala akong oras.

Ganoon na ba ako ka-busy? Marahil hindi ko na din nakikita ang pagtanda ko. Ambilis ng mga pangyayari, at para sa akin, masama ito. Ikaw ba, gugustuhin mong magising at makita ang sarili mo na nagta-trabaho, tapos sa isang kisapmata, may pamilya na, at pagkatapos ay matanda ka na?

Hindi naman kasi rat race kung ituturing ang buhay natin, or at least ang buhay ko. Walang paunahan na dapat mangyari. Pero kung titignan mo ang iba'y nag-uunahang makatapos, at makapagtrabaho, at the expense of their health and time.

Inaamin ko, napipilitan akong gawin ang mga bagay na sa tingin ko ay hindi ko pa naman dapat ginagawa, tulad ng pagta-trabaho. Sa ngayon, kabababawi ko lang ng ilang oras na tulog mula sa puyat. Yung mga ibang araw na pagpupuyat ay hindi ko pa nababayaran. Sabi sakin ni mama dati, "Anak, iba pa din ang tulog sa gabi, hindi mapapalitan ng tulog sa umaga." Kung ganoon, edi baon nako sa utang sa tulog. Simula pa lang ng high school, suki nako sa pagpuyat. Naranasan mo na bang matulog nang nakaupo para madali kang magising at hindi ka ma-late? Naranasan mo na bang makatulog sa klase, at pagalingan pa ng pagtago para hindi kayo mahuli ng teacher? Naranasan mo na bang umabsent na lang kasi tanghali ka na nang nagising?

Sa huli, ang epekto ng pagmamadali natin sa buhay, babalik at babalik din naman sa atin. Sana nga, kahit mahirap, ay maibalik ko ang aking sarili sa normal na pamumuhay. Walang pagmamadali, walang pagsisisi.

Wednesday, May 25, 2011

When ego breaks

11:26 am
Guten morgen mon amour




I finished talking to someone over the phone past three in the morning. I am currently dating someone, kaso wala pang personal meetup. Prolly on the 27. *blush*

Though most things are going on smoothly (for me), my ego isn't having the same luxury of comfort. Siguro nga ang usupang ex-es ay hindi maganda. Ang liit ko na nga, lalo ko pang na-feel yun. *sigh*

Why do I have to go under these series of inferiorities? Hindi naman ako dating ganito. The only explanation I can see is that I want to look my best on front of you. And I can only do so much.

Anyway, ililihis ko na muna ang isip ko. 27 and 28 will be verrry exciting. Pati pala ang pinagagawa sa akin ni Sir Rabajante.

Bonne nuit

10:46 pm
Katatapos 'lang ng isang tawag




As usual, very hectic na naman ang schedule. Hindi dahil sa sikat ako, or kung ano man (feel ko naman diba). Sadyang TAMAD kasi ako. Alam mo 'yung taong magigising 'lang para mag-toothbrush, mag-almusal, mag-laptop buong araw? Ganoon ako noong mga nakaraang araw. Paggising ko na 'lang, tambak na pala ang mga dapat kong gawin.

Mental note ng mga dapat gawin:

EduCom stuff
Dahil na-elect ako sa posisyong ako din naman ang may gusto, dapat ko nang paghandaan ang mga bagay-bagay. Malapit na din ang mga activities. Kailangan ko din sigurong magpa-committee meetings.
SP stuff
Nagyon pa lang dapat magsimula na ako. Pag-uwi ko ng Las Pinas, dalawang scholarly readings na ang hawak ko.
Blog
Kung makapagsasalita lang ang blog ko, magtatampo na siya. Matagal tagal ko na din kasing hindi nabibisita si blog. Kasama na dito ang pagpunta sa blog ng mga kaibigan ko.

Sunday, May 8, 2011

Two's A Crowd - Chapter 7

Naglakad kami ni Ai sa daan pabalik sa aking nakaraan.

-----

Ang laki ng ipinagbago ko noon. Matapos ang insidente noong aking 9th birthday, para akong nawalan ng kaluluwa. Walang salitang lumabas sa akin. Walang na ‘yung mga matatamis na tawa ni Toper. Kahit nga daw pag-iyak. Para akong nabubuhay na patay. Kumakain, naglalakad, natutulog, humihinga. Nakatulala ‘lang ako maghapon. Ilang espesyalista na ang tumingin sa akin, nabaon na kami sa utang, pero walang progress na nakikita sa kalagayan ko.

Pinahid ko ang gilid ng aking mga mata, iningatan na hindi ito makita ni Ai. Nagtuloy ako sa pagkukuwento.

Ang sikap sa akin ni mama noon. Ilang buwan din akong nag-undergo ng medication at rehabilitation.

Akala nila mama, hindi kakayanin ng katawan ko.

Nang hindi na naming kayang bayaran ang medical expenses, inilalakad na ‘lang ako ni mama sa parke araw-araw. Makalanghap man ‘lang ng simoy ng hangin.



Isang taon na ‘din ang nakalilipas simula ng birthday ko. Nasa trabaho pa si papa, mamaya na kami mag-se-celebrate.

Iniupo ako ni mama sa isa sa mga benches dito. May lumapit sa amin.

“Anong pangalan mo?” tanong ng isang lalaki, mga kasing edad ko ‘lang din. Tinabihan niya ako sa aking pagkakaupo.

“Ako si Buesser Bicaldo, Wes for short. Ngayon ‘lang kita nakita dito ah. Hiii,” saka inabot ang kamay.

Wala siyang nakuhang sagot sa akin. Nakaupo pa rin ako sa bench.

“Ang daya mo naman, ang dami ko nang sinabi ha. Turn mo na, dali. Anong pangalan mo?”

“Anak, siya si Toper. Tahimik talaga siyang bata. Pero sige, kausapin mo ‘lang, mabait naman iyan,” sabi ng mama ko sa kaniya.

“Sige anak, yayain mo na si Toper,” sabi naman ng mama ni Wes.

“Sige po. Tara Toper!”

Napatingin ako sa kaniya nang buhatin niya ang yayat kong katawan. Pinasan niya ako sa likod. Sinuportahan niya ang puwet ko ng dalawa niyang kamay. Itinakbo niya ako hanggang sa isang fenced area.

“Naglalaro ka ba ng bola?”

“Ayy, ayaw pa ‘ding magsalita. Masubukan na nga ‘lang. Saluhin mo Mr. Sungit!”

Parang isang ilaw na tumilapon sa akin ang bola.

Hindi ako handa sa pagdating ng bola.

Dumikit ito sa dibdib ko bago tumalbog. Napatihaya ako sa nangyari.

Nakita ni mama ang nangyari. Silang dalawa ni Wes ay nag-unahan para puntahan ako. Kasunod sa likod ang mama ni Wes.

Sa kamamadali, hindi napansin ni Wes ang bolang papunta na sa kanyang binti.

Nadapa siya. Tumilapon ang katawan niya sa ere.

Lumapag siya sa katawan ko. Sa lawak ng damuhan sa akin pa. Akala ko, para akong rubber ducky na made-deflate.

Naluha si mama pagkakita niya.

Sa kabila ng pagkakapatong sa akin ni Wes. Sa kabila ng malaki niyang katawang nakapatong sa akin.



Sa loob ng isang taon, nakita nila akong tumawa.

Saturday, May 7, 2011

Two's A Crowd - Chapter 6

Last class.

May babaeng sumalubong sa akin. Hindi ko kilala, pero alam kong nagkita na kami dati.

Yumakap pa siya. Yung friendly hug na yakap. Hinayaan ko ‘lang.

Mahigpit, matagal-tagal din, pero wala akong ginawa.

“Toper, tara naaa.”

Hindi ko magawang masabi ang mga iniisip ko. Kung sino man itong babaeng ‘to, dapat kong malaman. Kung ano man ang napagsamahan naming kahapon, dapat kong maalala. Kung may magagawa ‘lang ako. Kahit magsimula ulit kami sa simula, tipong magkikilanlan pa ‘lang ulit.

Puro kung. Alam ko naman na hindi pwede.

Sa klase, pilit siyang nagpapapansin. Mangangalabit dito. Mambabato ng maliit na crumpled paper kapag di nakatalikod ang teacher. Magsusulat ng heart at kung anu-anong scribbles sa gilid ng notes ko.

Sa lahat ng ginawa niyang iyon, mga pilit na ngiti at tawa ‘lang ang nagagawa ko.

Kailangan kong lakasan ang loob ko.

Sa gitna ng tuluy-tuloy na pagtatanung ng teacher namin, huminga ako nang malalalim.

“Umm, Irene..”

“Irene ka diyan! Tatay kita? Mga magulang ko ‘lang tumatawag sakin ng ganiyan eh. Ai. Ai. Ai,” sabay dila.

Napatawa ako. Kay sweet na bata.

“Gusto sana kitang yayain lumabas after ng klase. May gusto ‘lang akong sabihin. Pe-pe-pero, wala ‘lang iyon. As in tamang kwentuhan ‘lang talaga,” walang ekspresyon ang mukha ko.

Papayag ka kaya?

Sabay nag-bell na.

“Ah, hehe. Umm..” syet, nagba-blush siya. Wrong move ba ito?

“Sa labas na tayo mag-usap,”

Habang palabas ako, ngumiti ako na para ‘bang anlaking accomplishment nito.

-----

Naglakad-lakad kami sa isang maliit park sa loob ng campus. First time kong maglakad nang may kasamang ibang tao sa lugar na ito.

“Bakit mo naisipang magyaya? At may disclaimer ka pang nalalaman. Pwede naman kitang samahan kung wala ka talagang ibang mayaya,” at tumawa na naman siya.

Walang pasabing pinisil ko ang dalawa niyang pisngi.

Hindi ko alam kung bakit, basta pinisil ko ‘lang.

Hindi kami nakagalaw.

Hanggang sa lumuwag ang pagkakapisil ko. Hawak ko na ang pisngi niyang malambot.

Kinabahan ako.

Tama kaya ‘tong gagawin ko.

Ai, pumalag ka. Sampalin mo ko. Tumakbo ka palayo.

Pero hindi.

May mga nalaglag sa lupa. Mga notebooks niya. Parang nagulat siya, at pupulutin na sana niya ang mga iyon, pero hindi ko hinayaan.

“Ai, may sasabihin ako.”

“Ano ‘yun Toper?”

Sumabay ang kapaligiran sa aking emosyon. Humina ang hangin, tumahimik ang mga ibong kanina’y naghahabulan. Nagtago ang araw sa likod ng mga maiitim na ulap.

“Hindi ako si Toper.”

Friday, May 6, 2011

Two's A Crowd - Chapter 5

Blanko ang pag-iisip ko noong naglakad ako papunta sa sunod kong klase. Hinanap ko ulit kung saan iyon, kahit alam kong nakapuntan na ako doon kahapon. Kuya, second day na kaya ito ng klase, mariin kong sinasabi sa sarili ko.

Heto na naman siya.

Pucha, ang aga naman.

Kakasimula ko pa ‘lang ng panibagong buhay.

Bakit ngayon pa.

Nagsimula ang klase ko nang eksakto alas-dose. Hindi nako nakapag-lunch. Hindi naman din iyon ang habol ng utak ko sa ngayon. Nag-iisip ako.

Nag-bell na.

12:10 pm. Rollcall.

Ano kaya ang nangyari sa akin kahapon?

Manuel, Christopher Reign.

Manuel, Christopher?

Bigla akong tinapik ng katabi ko. “Ikaw ‘yun diba?” sabi ng katabi ko.

Itinaas ko ang kamay ko. Pagkatapos ay iniyuko ko nang bahagya ang aking ulo, na parang nagpapasalamat sa katabi ko. Pero hindi ko nagawang ngumiti.

Lumilipad ang utak ko sa malayong lugar at panahon.

12:15 pm.

-----

9th birthday celebration ko. Maga pa ang kanang bahagi ng mukha ko mula sa insidente sa volleyball court. Ngunti kahit na ganoon, masaya ako. Bata eh. Basta makakita ng balloons, maraming nakabalot na regalo, pabitin at mascot, magagawa nang makalimutan ang lahat ng problema sa mundo.

“Anak, smile ka sa camera,” sabi ni daddy. May hawak akong laruang eroplano, galing sa ninong ko.

Isang napakalawak na ngiti ang nakita ng mga magulang ko.

Ilang saglit pa’y kinuhaan na ako ng picture.

Nag-flash.

Lumiwanag. Kasing bilis ng pag-flash ang pagbabalik ang mga pangyayari.

Bigla akong napaupo sa kinatatayuan ko. Natulala.

Pagbalik ko sa mundong bahagya kong iniwan, nagbago na ang lahat.

“Anak, si mama ‘to, anong nangyari?” maluha-luha siya.
“Anak, si papa ‘to. Toper, may nararamdaman ka ba?” sabay yakap sa akin, ayaw akong bitawan. Hinayaan ko ‘lang. Hindi ko ginantihan ang mga yapos na iyon.

Maraming boses pa ang aking narining.

“Toper,”
“Toper, bangon ka na.”

Nabibingi na ako. Andaming boses, hindi ko alam kung kanino ang pakikinggan.

Walang pamilyar sa kanilang lahat. Kahit ang lalaking nakayapos sa akin ay hindi ko kilala, ni ang babaeng anak ang tawag sa akin.

Ako ba ‘yung Toper? Bakit hindi ko alam?

Pilit kong hinalungkat ang aking isipan. Wala akong napala. Parang puting pader na walang nakasulat. Kahit yata iuntog ko ang ulo ko, wala talaga.

-----

12:20 pm

Binuklat ko ang aking kwaderno. May notes na mula kahapon. Itinuloy ko ang pakikinig sa aking teacher. Economics. Law of supply and demand. Demand curve. Naalala ko pa sila noong high school. Plus, nabasa ko na ang mga ito ilang linggo ‘lang ang nakalilipas.

Bakit nga ba demand curve ang tawag, eh linya naman siya?

Bakit nga ba ako ganito?

Bigla akong nag-change topic. Kainis. Balik aral na ako.

Nag-bell na.

Last class ko na. Ano kaya ang nangyari doon kahapon? Bahala na.

Napabuntong hininga ako. Tinignan ang sched ko. Lakad. Ngiti. ‘Yan. Ganyan nga Cristof. Kaya natin ‘to.

Thursday, May 5, 2011

Two's A Crowd - Chapter 4

Dumating na din ako sa school. Tumingin sa relo. Nine-thirty na. Tinignan ko ang listahan ng mga subjects ko. 10:00 am – Basic Microbiology, Biological Sciences Building, Wing C, Room 303.

“Ah ‘yung BioSci? Derechuhin mo ‘tong daang ‘to, tapos kaliwa ka pagdating mo sa may building ng Humanities,” napansin ko pang tumawa sila nung sinabi nilang BioSci. Hindi pala ‘yun buo sinasabi. Sorry naman. Transferee nga eh.

Tumungo na ako sa BioSci, may kaunting kalayuan din.

Pagpasok ko sa loob ng kwarto, lahat nagtinginan sa akin. Umikot ulit ang mata ko para maghanap ng mauupuan. May tahimik na lalaki sa isang sulok sa likod. Tinungo ko ang upuan sa kanan niya. Kauupo ko ‘lang nang,

“Tol, diyan uupo girlfriend ko.”

“Ay pasensiya na,” dapat pala nagtanong muna ako. Tatayo na dapat ako nang hinawakan niya ako sa braso para pigilan.

“Biro ‘lang. Haha!”

Ngumiti na lang ako kay gago. Kainis.

“Sungit neto. Di mabiro,” at sinuntok niya ako nang mahina sa kaliwang braso. Sabay ngumiti siya.

Pumasok na ang teacher namin. Gahd, amboring niya. Aanhin ko mga scientific names mo. Amp.Mga 15 minutes pa ‘lang siyang nagsasalita inaantok na ako. Tumingin ako sa kisame sabay hikab. Pagyuko ko, may nakatuping papel na nakapatong sa armchair ko. May nakasulat.

Mr. Sungit.

Binuksan ko.

Amboring ni ma’am.  May drawing ng dragon sa dulo. Ampangit ng drawing. Manlait daw ba? Kinuha ko ang ballpen saka sinulat gamit ang aking kaliwang kamay. Matagal tagal din akong nagsulat.

Oo nga eh. At may pangalan ako, Cristof. Hindi Mr. Sungit. Nga pala, sana ginandahan mo ang drawing mo. Parang ganito. May lalaking anghel na walang saplot, nakatakip sa ibabang parte ng kaniyang katawan. Ibinalik ko ang papel.

Ikaw na ang magaling. Archi ka ba? Feel ko hindi. Bihira naman kumuha ang Archi ng Microbio eh.

Hindi, Applied Math ako. Ikaw ba? May parte ko na nagsabing magdrawing ako ng isang rosas. Isang rosebud ang na-drawing ko.

Chemistry ako. At talagang pinaninindigan mo ang pag-drawing. Kaya ko din iyan. May kulay pa.

Nag-drawing siya ng lips. Red ballpen pa ang ginamit.

Natawa ako. ‘Yung mga dino-drawing naming, parang ‘yung libreng tattoo ‘lang sa mga lollipop noong kabataan ko. Naabutan niyo ba ‘yun?

Pasalit-salit ang atensiyon ko sa teacher at sa katabi ko.

Rod-shaped bacterium. Bakit ka nga pala nag-microbio? Helicobacter pylori. Trip ko ‘lang. Mukhang masaya. Escherichia coli strain 10157. Madugo ‘to, baka pagsisihan mo. Spirulina. Mukha namang hindi.

Hans Morgan Spitz. Iyon ang naalala ko noong nag-rollcall kanina si ma’am. Mas matangkad sa akin. Malamang, hamak na 5’7 ‘lang naman ako. Bubuwit kung ikukumpara sa pustura niyang mala-tore. 5’11 yata siya. Hindi ko na naitanong kung may lahi siya, kasi nasa apelyido naman na niya. Plus maputi siya, mukhang makinis. Kahit Chemistry ang kurso, hindi mukhang nerd. Cool. Ang sarap pang pag-tripan.

Nag-bell na. Tumingin ako sa schedule ko. May next class pa ako.

“Una nako ha, may klase pa kasi.”

“Nice meeting you ‘tol. Katabi din kaya kita kahapon, di ka nga ‘lang masyadong namamansin.”

“Ah, ganun ba,” ‘yun na lang ang nasabi ko. Bigla kong naramdaman ang paa kong nagmamadali para umalis na sa room.

“Baka bukas, ibang pangalan na naman pakilala mo ha,” pabiro niyang sinabi.

Wala siyang narinig na reaksiyon.

Kasabay ng malamig na pawis na pumatak sa noo ko, ay ang pagmamadali kong umalis. May nabangga akong mga tao sa pintuan. Hindi ko pinansin.

Dere-derecho ‘lang ako sa paglalakad.

Wednesday, May 4, 2011

Two's A Crowd - Chapter 3

Mas maaga na akong bumangon sa kama.

Sinimulan ko na ang aking ritual.

Naghubad na ako ng sando at boxers, kumuha ng tuwalya, at naglakad na patungo sa CR. Umupo muna ako sa bowl. Naalala ko ang mga nangyari kahapon. Naalala ko si Ai. Pinisil ko din ang mga pisngi ko. Wala talagang panama sa matataba niyang pisngi.

Someday, mapipisil ko din ang mga iyon.

Kasabay ng pagbuntong hininga ko, dumerecho na ako para mag-shower. Dahan-dahan kong hinayaang dumaloy ang tubig sa katawan ko. Ganito ako maligo, parang babae.

Dahan-dahang lumalim ang aking paghinga.

Parang tubig na umagos ang aking isipan. Bigla akong may naalala.

“Toper, tara ligo na tayo.”

“Maya-maya na.”

“Tara naaa. Gusto mo pa yatang kilitiin kita eh.”

“Aray! Masakit.” *sabay tawa* “Tara na nga.”

Niyakap niya ako sa likod. Malamig ang tubig na bumasa sa katawan naming wala nang mga saplot. Malamig ang tubig, ngunit ang init ng kanyang yakap.

Parang tubig ang mga iyon. Sa simula, papatak-patak. Ang sarap damahin sa palad. Nakakikiliti. Napapangiti ako sa bawat pagpatak.

Pero nang lumaon, dumami na sila. Rumaragasa. Masakit.

Tititit titit. May nagtext. Tahimik kong binasa ang message na iyon.

Ayoko na. Parang hindi na kita kilala. Lumayo ka na sa akin. Sana hindi na lang kita nakilala.

Nabasag ako. Gusto kong itapon ang phone matapos kong basahin ang text niya. Pucha. Akala ko kami na talaga hanggang sa huli. Akala ko magkaintinidhan kami. Andami kong inakala.

Isang buwan na ang nakalipas. Masakit pa din.

Hindi ko namalayan na umiiyak na pala ako. Nagtago lang sila sa tubig, kasabay ng pag-agos ng tubig mula sa shower. Gusto kong lumabas ng pinto pero nanginginig pa ang binti ko. Napaupo ako sa sahig.



“Toper anak. Baka naman nakatulog ka na diyan sa CR,” nagising ako sa pagkatok ni mama. Pagdilat ko, kulubot na ang mga kamay ko. Gaano katagal na ba ako sa dito? Tinignan ko ang bathroom clock. Syet. Alas otso na.