Sunday, May 8, 2011

Two's A Crowd - Chapter 7

Naglakad kami ni Ai sa daan pabalik sa aking nakaraan.

-----

Ang laki ng ipinagbago ko noon. Matapos ang insidente noong aking 9th birthday, para akong nawalan ng kaluluwa. Walang salitang lumabas sa akin. Walang na ‘yung mga matatamis na tawa ni Toper. Kahit nga daw pag-iyak. Para akong nabubuhay na patay. Kumakain, naglalakad, natutulog, humihinga. Nakatulala ‘lang ako maghapon. Ilang espesyalista na ang tumingin sa akin, nabaon na kami sa utang, pero walang progress na nakikita sa kalagayan ko.

Pinahid ko ang gilid ng aking mga mata, iningatan na hindi ito makita ni Ai. Nagtuloy ako sa pagkukuwento.

Ang sikap sa akin ni mama noon. Ilang buwan din akong nag-undergo ng medication at rehabilitation.

Akala nila mama, hindi kakayanin ng katawan ko.

Nang hindi na naming kayang bayaran ang medical expenses, inilalakad na ‘lang ako ni mama sa parke araw-araw. Makalanghap man ‘lang ng simoy ng hangin.



Isang taon na ‘din ang nakalilipas simula ng birthday ko. Nasa trabaho pa si papa, mamaya na kami mag-se-celebrate.

Iniupo ako ni mama sa isa sa mga benches dito. May lumapit sa amin.

“Anong pangalan mo?” tanong ng isang lalaki, mga kasing edad ko ‘lang din. Tinabihan niya ako sa aking pagkakaupo.

“Ako si Buesser Bicaldo, Wes for short. Ngayon ‘lang kita nakita dito ah. Hiii,” saka inabot ang kamay.

Wala siyang nakuhang sagot sa akin. Nakaupo pa rin ako sa bench.

“Ang daya mo naman, ang dami ko nang sinabi ha. Turn mo na, dali. Anong pangalan mo?”

“Anak, siya si Toper. Tahimik talaga siyang bata. Pero sige, kausapin mo ‘lang, mabait naman iyan,” sabi ng mama ko sa kaniya.

“Sige anak, yayain mo na si Toper,” sabi naman ng mama ni Wes.

“Sige po. Tara Toper!”

Napatingin ako sa kaniya nang buhatin niya ang yayat kong katawan. Pinasan niya ako sa likod. Sinuportahan niya ang puwet ko ng dalawa niyang kamay. Itinakbo niya ako hanggang sa isang fenced area.

“Naglalaro ka ba ng bola?”

“Ayy, ayaw pa ‘ding magsalita. Masubukan na nga ‘lang. Saluhin mo Mr. Sungit!”

Parang isang ilaw na tumilapon sa akin ang bola.

Hindi ako handa sa pagdating ng bola.

Dumikit ito sa dibdib ko bago tumalbog. Napatihaya ako sa nangyari.

Nakita ni mama ang nangyari. Silang dalawa ni Wes ay nag-unahan para puntahan ako. Kasunod sa likod ang mama ni Wes.

Sa kamamadali, hindi napansin ni Wes ang bolang papunta na sa kanyang binti.

Nadapa siya. Tumilapon ang katawan niya sa ere.

Lumapag siya sa katawan ko. Sa lawak ng damuhan sa akin pa. Akala ko, para akong rubber ducky na made-deflate.

Naluha si mama pagkakita niya.

Sa kabila ng pagkakapatong sa akin ni Wes. Sa kabila ng malaki niyang katawang nakapatong sa akin.



Sa loob ng isang taon, nakita nila akong tumawa.

No comments:

Post a Comment