Drained
Each day matters.
Every hour counts.
No second is left unnoticed.
'Tis not only Death that can make us value the lives we have,
the people we hold dear,
the decisions we thought we made right.
I am starving. Ako ay kasalukuyang nasa hunger strike. Hindi ko alam kung may lakas ng loob akong ikuwento kung paano ito nagsimula. Basta sa ngayon, sa emosyon ako kumukuha ng lakas. Kaya ko mang lumabas para bumili ng makakain, mas pipiliin kong magtiis.
----------
Noong nasa relasyon pa ako, batid kong may mga mali din akong nagawa. Mga maling desisyon, maling salita na lumabas sa bibig, mga maling pananaw. Lubos ko itong pinagsisihan. Dumating sa puntong inisip ko agad ang kinabukasan na nakalaan para sa aming dalawa ng nakarelasyon ko. Hindi na nakita ng mga mata ko ang iba, lalo na ang aking pamilya.
Nagbago ang lahat ng ito noong nagkahiwalay kami. Kung may maganda mang naidulot ang pahihiwalay namin, ito ang pagkakita ko nang mas malinaw ang mga pangarap ko. Hindi ko na inialis ang aking pamilya sa pangarap na ito. Blood is thicker than water.
Mahigit isang taon na akong walang buhay pag-ibig, pero hindi ko ito alintana. Naging family-oriented ang aking mga pangarap. Tuwing may paghihirap ako, sasamahan ko ng monologue na, "Konting tiis na lang, kapag nakatapos ako, mas magiging maginhawa din ang buhay namin."
Buhay namin.
Buhay ko at buhay nila.
Buhay ko na para sa kanila.
Sa oras ng paggawa ng post na ito, sa bawat pagkalam ng sikmura ko, isa-isa ko nang kinakalimutan ang mga pangarap na hindi ko na sana nilikha. Hindi ko alam kung nagpapadala lang ako sa bugso ng emosyon, o nang galit.
Hunger strike.
May mabigat na dahilan kung bakit ito ginagawa.
Kamatayan.
Kawalan ng takot dito.
Isang matinding laban.
Laban upang panindigan ang sarili.
Laban gamit ang emosyon.




