Grade 5. Nagsilabasan na ang mga crushes, ang mga malilikot na pag-iisip namin, ang mga pimples, ang mga feeling matatanda na. Dito na din yata nagsimula ang karma ko sa aspeto ng pagpapalit-regalo.
Kumg mayroon mang nanaig na pattern sa mga Christmas party ko noon ay ang palaro, ang salu-salong kainan, at ang pagpapalit ng regalo. Fast forward. Dumating na ang pinakakahintay na pagkakataon. Ang regalong natanggap ko ay hugis cylindrical. Sa pagkalog ko, mukhang alkansiya. Pwede na, kasi may umaalog sa loob. Kahit halagang 20 pesos lang masaya na ako.
Hindi ko muna binuksan ito. Inilagay ko sa backpack at umuwi na ng bahay. Habang nasa trike na ako, mas lalong nabubuo sa isipan na may bago na akong pag-iipunan ng pera. Sabi ko pa sa sarili ko na dito ko ilalagay ang aking mga pamasko. May halong kaba at antisipasyon ang bawat punit sa balot. Nabigo ako. Pringles, at hindi alkansiya, ang nakuha ko. Parang akong si Edward. Mabibili ko naman ito kahit hindi Pasko. Nalungkot ako. Bata pa, kaya sobrang binigyang halaga ko ang panahong ito.
No comments:
Post a Comment