Monday, June 25, 2012

Quickie Post

9:53am


This is the way things have been since I started last Monday. I wouldn't even notice the passing of time. I would wake up, and walk with a light head. Lack of sleep is one of my biggest enemy. But amidst the lack of  sleep, I still have the passion to go to work.

Wednesday marks the end of our first module on Oracle 11g. A module just about 7 days. Wednesday also marks our first graded assessment. I AM EXCITED.

Monday, June 18, 2012

New Beginning


Today marks a new chapter in my life.
Yesterday is a diary of my successes, my failures, my mistakes, and my learnings.
Tomorrow is a check list of my achievements, my improvements and my dreams.
Optimism to fuel me at the start of every day.
Failure to have something to look forward to as I go to sleep.
Passion for breakfast. 
Codes for snacks. 
Sarcasm for dessert. 
Laughter for dinner.


Today, I greet the world as a professional. I'm also hoping that professionalism will also be at my side. More challenges, more friends, more money, more fun.

What a way to start the morning. Feels so good.

Sunday, June 17, 2012

Countdown

5:50
Wrap up



Ilang oras na lang at malapit na akong magsimulang magtrabaho. Wrap up ng mga bagay na dapat kong gawin.

  • Requirements
  • Damit
  • Jitter management
  • Etc.
Kaya ko to! Excited haha.

Happy Father's Day!

3:00pm
Just called to say I love you


I wasn't even able to say I love you Dad. I just said "Happy Father's Day" and "Hope to see you soon", which caused him to chuckle a bit. I know it's been more than 6 years. I'm not even counting. However, I'm thrilled to get to the day when we'll be happy living together. You, Mama, Kenneth, and Me.

Happy Father's Day to all the Dad's out there!

Thursday, June 14, 2012

Eureka!

1:51pm
Noong nakita mo ang sagot na matagal mo nang hinahanap


Umamin ka. Mas masarap sa ating pandinig na marinig ang mga sagot na atin ding ginugusto. Naranasan ko nang tanungin nang paulit-ulit ang kapatid ko kung pumayat na ako, at titigil lang kapag narinig ko ang kanyang matamis na pambobola. Naiisip ko, kaya siguro may second at third opinions ang mga pasyente. Madalas, naka-ugat na din ito sa pag-asang magiging ayon sa atin ang karamihan (kundi man lahat) ng bagay.

Umamin ka. Kung isa kang pangkaraniwang anak mula sa isang pangkaraniwang pamilya, may pagnanais kang makatapos ng pag-aaral, paunlarin ang sarili at maipakita sa iyong magulang ang iyong pagmamahal sa pamamagitan ng pagtulong sa kanila. 

Ilang araw na din simula nang tanungin ko si mama sa halaga na dapat kong ibigay sa bahay. Bigo ako. Syempre sasabihin niya, "Ikaw ang bahala," sabay paglaki ng butas ng ilong. Hindi ko tuloy alam. Nangangapa ako sa ganitong issue. Sinubukan ko namang tanungin ang ilang kaibigan ko. At dahil iba't iba kami ng pamilyang kinalakhan, iba't iba kami ng eksena sa buhay pagta-trabaho, malamang iba-iba rin ang nakuha kong sagot.

Hanggang sa nakita ko ang mga katagang ito sa internet (mula sa PinoyExchange):

...but i plan to give my first paycheck to my mom tapos afterwards, i'll give only when i can. 
0%. They don't need money from me.
20% lang din sakin. Wish I could give more but its all I can for now

Nakarinig na ako ng mga bagay na ginusto kong marining. Hindi naman pala talaga kailangang magbigay ng napakalaking halaga. Malapit ko na sanag bigkasin ang Eureka sa utak ko for the 50th time. Hanggang sa makabasa ako ng mga ito:

syempre... a sign of utang na loob.. kasi im kind of a generous person... hehe
i don't think giving them money is a sign of "utang na loob"...if I'd be a parent someday, it'll be a slap in my face if my kids would give me money as a sign of "utang na loob"...if i want to show them "utang na loob" i'd just do the ff. love, respect and honor them by being a good child, citizen and student.
lahat.. humihingi na lang ako ng allowance.. madami kasi kami bayarin e.. 
yay.. i wish i can.. but both my parents are deceased.. 
I wish I gave more to my mom. Now that she's passed away, I realize that she's given me more in the way of love, kindness, patience, understanding, and listening that any amount of money can ever buy. R.I.P. Mom!

Ipagmaumanhin kung nahatak agad ako ng emosyon, pero totoo din naman ang mga ito. All these times, I have been thinking of how little I can make my contributions for the expenses. Sapat na din sigurong may maipon ako sa aking sarili at makatulong sa gastusin sa bahay. Inaamin ko, may kaunting bigat sa pakiramdam. Sana lang, itong bigat mawala na din kinalaunan.

Naalala ko ang sinabi ng isa kong kaibigan, "Nag-iiba talaga ang magulang kapag usapang pera na," Sana hindi ito mangyari sa kanila.

Tuesday, June 12, 2012

boolean IAmASoftwareDeveloper = true: On Becoming a Software Developer

1:10am
Jitters be gone


I hope you didn't freak out and stopped from reading this post the moment you saw the title. I'd be much happier if the title got you interested. The title just means that finally, I am  a real Software Developer, written in alien-ish pseudocode. However, the title only holds for the job description. My performance would tell me (or otherwise) if I had been a good nerdy programmer.

Moving on, realizing that I'm going to work for an IT company, I wanted to ensure an as-much-as-possible-smooth career. I have tried and will try to search for areas for development, sites to keep me hooked in this field of expertise, and certifications to further.. certify my being a programmer.

A biased photo from a biased blogger.

Competitive Programming
This is where I mastered the art of writing small to average-sized programs using a Java Virtual Machine (JVM), with Java as my programming language of choice. Believe me, it was hard. It took me a while actually use my JVM since I didn't know that it lacked some components (which I had installed at a later time). With Competitive Programming, I had also learned basic user input and output. But, greatest of all the contributions Competitive Programming has brought upon me is red burning passion. Because of this, I was very eager in solving problems, and learning along the way. Well, I have to admit, it feels good when you have solved a problem while some soul couldn't, or at least wouldn't.

I am regularly trying to solve problems only in this site, but I plan to join some other ones.


Certifications
An Azeus interviewer by the name of Mr. Gerry Chua during my individual technical interview for the Software Developer position told me this (not in verbatim): "Java may be one of the best programming languages of today, but no one can tell if it will still be in the future. So as a good developer, you should know how to adapt, and learn a programming language as the case arises."

There are two essential points there. One, Java is a good programming language to learn, and the other, is that I need to be able to learn another language as quickly as possible, when there is a need to do so. The revolution from assembly language Fortran to object oriented SmallTalk or Simula took less time than Fipinos getting independence since Magellan's arrival here. I think that is a good enough reason for me to take seriously what Mr. Chua said.

I have searched for certifications on various programming languages and have come up with the following list. I plan to add more to this wish list. I also plan to slash some of them hopefully in the future. *looks above, and prays hard*
I'm not even sure which of these are more relevant to my current job. It doesn't hurt to have a mental list though.

Research
Having graduated from a university where research and instruction are vital, I also want to be open to research, either in my undergraduate course (Applied Mathematics), in Computer Science, in both, or in any field related to the two. Good thing there are a lot of conceptual spider webs intertwined between Applied Math and ComSci. Lucky career-shfiter that I am.

Of course, target research journals are those that are ISSI-indexed, but as I tell myself, there will always be a need for humble beginnings.


Life Cycle
As of the moment, I'm enjoying most of the stages in becoming a full-fledged taxpayer, minus the tax paying, of course (which I personally believe that will never be worth enjoying). If this is the path I'm going to take, so be it. If I wouldn't be given a chance to practice my undergraduate courses, then all is still well. I'm happy now, I have a plan not only for myself, and I think, that is just as good as a program that prints Hello World! backwards in hexadecimal format. Cool no? Heck, I don't even know how to do that yet.

photo source

Jitters. Jitters.

1:00am
Struggling to fix my body clock


As the title of this blog post implies. I'm having the jitters. It's less than a week before I get to start working. Work means more money, more frequent bouts of back pain (though I'm still young), and more rounds of good morning sunshine.

I remembered a post I have read somewhere on reasons for transferring to another company. This is what I liked best, not written in verbatim.

If you find yourself waking up everyday with a desire to go to work, no matter how little that desire is, then stay. But if you find yourself waking up and making a mental note of the many grudging hours you still need to work for the day, then it's time to pack your things in search for another job.

I do hope this jitter will persist for a very long time, if not replaced by a better-sounding emotion. June 18. June 18. Oh, there goes the jitters again.

Sunday, June 10, 2012

Not a Suicide Note



1:51am
Sa alak lang ba nakukuha ang hangover?

Tick tock. Tick tock. Hindi yan tunog ng orasan sa kwarto. Sa totoo lang, wala pa nga akong nakitang orasan na tick tock ang nagagawang tunog. It's just a mental note. It's a note to self that the hands of clock, more so my life, goes on even if I do my best to hold my breath for 16 counts. It's a note that my life doesn't get any younger. Ito na naman ako. Sa katahimikan ng gabi, lumilipad talaga ako paalis ng katinuan. Masuwerte na kapag bumalik ang aking katinuan at may dala itong maayos at hindi pira-pirasong kuwento. Mas masuwerte kung sisipagin akong gawan ng kuwento ang paglalakbay na ginawa ko. Ngunit tulad ng gutom sa gitna ng gabi, madalas ay itinutulog ko na lang. Kaunting paraos sa hangin, kaunting paramdam sa mga taong binisita ng aking walang katinuang isipan, at susundan na ito ng isang mahimbing na pagtulog.

Sabi nga ng isa kong nakasama kanina, "We only get to live once," sabay subo ng pagkain at pagtawa. Sumakit ang tiyan ko, at hindi ko alam kung kinabag sa kakatawa, o sa halu-halong pagkain. Pero dahil we only get to live once, hindi ko na hinanapan ng dahilan.

Sabi din ng isa kong kasama kanina, "Masyado mong pinaplano ang buhay mo," isang bagay na agad ko din namang inamin sa sarili ko. Nakakatuwa lang kasing magplano sa simula. Sa simula, napakarami ng bagay na pwedeng gawin. Sa bandang huli, parang execution na lang ng mga bagay na pinagplanuhan mo sa simula. Ang tawag dito, ningas-kugon. Alam ko namang ningas-kugon ako sa maraming bagay, kundi man sa lahat. Tanggap ko na ito.

Kaya ngayon, habang hindi pa sikat ang blog na ito, habang hindi pa ako dinadapuan ng katamaran, habang high na high pa ako sa road trip, habang hindi pa ako nakaka-get over sa mga pangyayari, at habang nagagawa ko pang huminga at magsabi ng tick tock sa aking isipan, isusulat ko na ang mga ito:

June 6, 2012
Aventus Medical Clinic
Medical Exam ko, huli sa mga kinakailangang magampanan para sa aking pinakaunang trabaho sa Azeus sa June 18. Sa lahat ng nagtiwala sa akin, kahit alam kong kulang pa ang isang kaban ng bigas para makarating ako sa standards ng kumpanya, maraming salamat. Tick tock. Tick tock. Time remaining: A little more than a week. Oras na para mamaalam sa petiks na buhay freerider at kumilos para sa mga luho ko sa katawan at isipan.

June 7, 2012
Shan's Residence
Mini-reunion ng Wisdom (4th Year HS). Isang bagay na ipinilit kong maayos at mag-push through kahit nilalangaw ang post ko sa FB group namin. Sariling sikap ng iilan: post ko, reply nila, tawa ako, tawa din sila. Like like na kunyaring nagustuhan ang comments pero para lang naman talaga ma-up sa News Feed ng mga kaklase naming nakalimutan na yatang may kaibigan sila noong High School. Joke lang. Malapit na din kasi ang Nursing Board Exam (June 30 - July 1), at karamihan ay naghahanap ng trabaho. Salamat: 
Shan (at sa video, sa bahay, sa mga pagkain), 
XT (na three octaves ang vocal range), 
Anabe (sa limpak limpak na delata na pwedeng nang bumuhay ng pamilya ng isang lingg), 
Celito (sa mga kuwentong sidelines na petiks pero kumikita), 
Sir Danjo (yihee ang isaw ko sa Diliman ha), 
Kim Julia (yay sa libreng Magnum na first Magnum ko din),
Geanellie (na lagi kaming nauunahan ni Kim sa magagandang emo songs sa videoke),
at sa mga cast ng Princess and I na nakita pa naming nagshu-shoot kahit alas-tres na ng madaling araw. Pahabol na kilig pa.
Sana maulit muli.

June 8, 2012
Makati-ish Pasay-ish
Kinailangan naming magkita ng ninong ko dahil may iaabot siya sa akin. Tumingin kami sa SM Makati, nalaman kong pwede palang pang-semi formal ang Chino's, na mura din pala ang slacks ng Main Street, na sale din sa SM Makati, at magkakaroon talaga ng inuman kapag nagkita-kita kami sa isang malamig na Biyernes ng gabi. 
Lo, Nong, salamat dahil kahit alam ninyong maharot ako, hindi niyo pa din ako pinipigilan. Salamat sa nandiyan kayo sa likod ko sa tuwing gagawa ako ng kalokohan, pero mawawala kapag nalaman ninyong pwede kayong madamay. Joke. Nakatutuwang isipin at makakita ng isang matibay na relasyong binuo ng mabigat na pinagdadaanan.
Nong, hindi ko pa din ang ipinangako kong trip sa Europe kapag pareho na tayong mayaman. Huwag kang mag-alala, ipinangako ko din na hindi kita ililibre. Baka lang nagkakalimutan tayo.
Julius at Dante, salamat sa oras at sa espasyong pinahiram ninyo para sa kuwentuhan at tulugan. Sana kapag sumikat na itong blog ko, sana magawa niyo ding ayusin ang layout nito, pati na din ang aking mga pangungusap. I'm assuming here that my blog can get famous with its current sleepy layout. Note to self: Mag-ayos ng blog layout.

June 9, 2012
UP Los Banos
Sila ang sumagad ng pasensiya ko. Nagtitimpi lang ako sa sayang pinagdadaanan ko, pero sa sobrang saya nila kasama, heto ako't nagsusumbong sa aking munting pahina. Umuwi ako ng alas 6 mula Pasay. May tatlong oras na tulog, lumampas sa sinakyang bus, na-late sa usapang alas 9 ng umaga sa Alabang. Nag-alala ako sa simula. Pero heto naman ako, pagod pero masaya.
Curie, salamat sa kotse. Mas naging masaya ang pagbisita sa UPLB dahil pwede tayong magsigawan nang walang naiistorbo maliban sa mga natutulog sa atin. Salamat kasi nakita ko ang pagsisikap mo na buhayin ang usapan, sa mga pamamaraan muntik ko na ikahimatay. Joke. Pero salamat talaga. Sa totoo lang, hindi kita matantiya sa text, or sa forum, pero kapag nagkikita na tayo sa personal, parang panibagong Curie ang nakikita ko. Sabi ko nga kay Obet, hangang hanga ako sa'yo, at nahihiya na din. Sana mas makapalagayan pa kita ng loob. Salamat sa munting discussion sa tarpaulin ng sales ng DTRI. Ang sarap mong kasama kasi hindi ka nawawalan ng ngiti at kuwento. At marunong ka pang mag-basketball. Dahil diyan, tikom ang bibig ko sa sino mang magtatanong ng edad mo.
Obet, congratulations sa isang masayang bakasyon. Sulit ang ating pagpa-plano. Ituturing ko itong huling gimik bago magsimula ng trabaho. Sana hindi ka na maging moody dahil mas nababagay ang ganiyan sa babae. Joke lang ulit, ang sexist ko naman. Sana matapos mo na din ang pag-aaral mo, at sana kapag sumikat na ang blog ko, mabasa mo ito at matuwa ka kahit papaano. Salamat kasi andami mo nang kuwentong ipinagkatiwala sa akin.
Plok, salamat dahil ikaw ang madalas kong nakakulitan sa kotse, kasi ikaw ang katabi ko, and vice versa. Tandaan mo, hindi hadlang ang pagiging virgin para magkaroon ng isang masayang relasyon. Joke. Sana may masagap ulit akong balita sa mga future endeavors mo, alam mo na.
Kino at Averi, dahilan sa tuwang-tuwa akong pagmasdan kayo sa lahat ng pagkakataon, pinagsama ko na ang mensahe ko. Sana magkaroon din ako ng ganiyan. Kapag tumaba kayong dalawa dahil nahiyang kayo sa isa't isa, sana'y tumaba din ang utak ko sa mga success stories ninyo. Kapag may trabaho na ako, sana totohanin natin ang usapang pagpunta sa beach. Salamat kasi napaka-bibo niyo ring magsalita. Huling hirit: Bagay talaga kayong dalawa. Kapag sumikat na ang blog ko, sana mabasa niyo 'to at ma-realize na simula kahapon, isa na akong full-fledged fan.
GS, pinaka-memorable ang may-gatas-ka-pa-labi-ish na pagpuna namin sa mga milk solids na nasa ilong at labi mo. Idagdag mo pa ang tatlong ice cream na inupakan mo na parang tig-iisang kutsara lang ng cough syrup. Speaking of. Sana gumaling ka na din agad sa ubo mo. Salamat din sa nerdy talk kasama si Curie sa SAP, sa mga oldies na banda, kay Reshiram, sa pasegway sa Realm of Thought.

Date undisclosed
Place undisclosed
Nalulungkot ako dahil malapit na akong magsimula ng trabaho at hindi ko man lang nakita ang tatlong pinakanagpaligalig ng aking buhay kolehiyo. Ana, Merryl at Robert, sana magkita na tayo, lalo na ngayong mga panahong wala pa akong sweldo para pantay-pantay pa. Madalas kapag naaalala ko kayo, bigla akong magpapadaan ng text o mensahe sa FB. Inaasahan kong magkakausap at patuloy niyo pa ding pagdudulutan ng ligalig ang aking buhay may trabaho.

Kung planado man ako kumilos, hindi lang siguro dahil gusto kong maging maayos ang lahat. Naiisip ko kasi na ang kaunti ng oras, na bawat tick tock na lumipas nang walang akong taong nakilala at nakasama, para itong tick tock na pinalipas ko nang hindi humihinga for 16 counts. Minsan, masarap ding makaramdam na tao ka lang na may pangangailangang mapansin at makita ng kapwa mong may parehong pangangailangan.

Paalam na muli sa aking paglalakbay. Tick tock. Tick tock. Babalik na ulit ako sa katinuan.