Sunday, June 10, 2012

Not a Suicide Note



1:51am
Sa alak lang ba nakukuha ang hangover?

Tick tock. Tick tock. Hindi yan tunog ng orasan sa kwarto. Sa totoo lang, wala pa nga akong nakitang orasan na tick tock ang nagagawang tunog. It's just a mental note. It's a note to self that the hands of clock, more so my life, goes on even if I do my best to hold my breath for 16 counts. It's a note that my life doesn't get any younger. Ito na naman ako. Sa katahimikan ng gabi, lumilipad talaga ako paalis ng katinuan. Masuwerte na kapag bumalik ang aking katinuan at may dala itong maayos at hindi pira-pirasong kuwento. Mas masuwerte kung sisipagin akong gawan ng kuwento ang paglalakbay na ginawa ko. Ngunit tulad ng gutom sa gitna ng gabi, madalas ay itinutulog ko na lang. Kaunting paraos sa hangin, kaunting paramdam sa mga taong binisita ng aking walang katinuang isipan, at susundan na ito ng isang mahimbing na pagtulog.

Sabi nga ng isa kong nakasama kanina, "We only get to live once," sabay subo ng pagkain at pagtawa. Sumakit ang tiyan ko, at hindi ko alam kung kinabag sa kakatawa, o sa halu-halong pagkain. Pero dahil we only get to live once, hindi ko na hinanapan ng dahilan.

Sabi din ng isa kong kasama kanina, "Masyado mong pinaplano ang buhay mo," isang bagay na agad ko din namang inamin sa sarili ko. Nakakatuwa lang kasing magplano sa simula. Sa simula, napakarami ng bagay na pwedeng gawin. Sa bandang huli, parang execution na lang ng mga bagay na pinagplanuhan mo sa simula. Ang tawag dito, ningas-kugon. Alam ko namang ningas-kugon ako sa maraming bagay, kundi man sa lahat. Tanggap ko na ito.

Kaya ngayon, habang hindi pa sikat ang blog na ito, habang hindi pa ako dinadapuan ng katamaran, habang high na high pa ako sa road trip, habang hindi pa ako nakaka-get over sa mga pangyayari, at habang nagagawa ko pang huminga at magsabi ng tick tock sa aking isipan, isusulat ko na ang mga ito:

June 6, 2012
Aventus Medical Clinic
Medical Exam ko, huli sa mga kinakailangang magampanan para sa aking pinakaunang trabaho sa Azeus sa June 18. Sa lahat ng nagtiwala sa akin, kahit alam kong kulang pa ang isang kaban ng bigas para makarating ako sa standards ng kumpanya, maraming salamat. Tick tock. Tick tock. Time remaining: A little more than a week. Oras na para mamaalam sa petiks na buhay freerider at kumilos para sa mga luho ko sa katawan at isipan.

June 7, 2012
Shan's Residence
Mini-reunion ng Wisdom (4th Year HS). Isang bagay na ipinilit kong maayos at mag-push through kahit nilalangaw ang post ko sa FB group namin. Sariling sikap ng iilan: post ko, reply nila, tawa ako, tawa din sila. Like like na kunyaring nagustuhan ang comments pero para lang naman talaga ma-up sa News Feed ng mga kaklase naming nakalimutan na yatang may kaibigan sila noong High School. Joke lang. Malapit na din kasi ang Nursing Board Exam (June 30 - July 1), at karamihan ay naghahanap ng trabaho. Salamat: 
Shan (at sa video, sa bahay, sa mga pagkain), 
XT (na three octaves ang vocal range), 
Anabe (sa limpak limpak na delata na pwedeng nang bumuhay ng pamilya ng isang lingg), 
Celito (sa mga kuwentong sidelines na petiks pero kumikita), 
Sir Danjo (yihee ang isaw ko sa Diliman ha), 
Kim Julia (yay sa libreng Magnum na first Magnum ko din),
Geanellie (na lagi kaming nauunahan ni Kim sa magagandang emo songs sa videoke),
at sa mga cast ng Princess and I na nakita pa naming nagshu-shoot kahit alas-tres na ng madaling araw. Pahabol na kilig pa.
Sana maulit muli.

June 8, 2012
Makati-ish Pasay-ish
Kinailangan naming magkita ng ninong ko dahil may iaabot siya sa akin. Tumingin kami sa SM Makati, nalaman kong pwede palang pang-semi formal ang Chino's, na mura din pala ang slacks ng Main Street, na sale din sa SM Makati, at magkakaroon talaga ng inuman kapag nagkita-kita kami sa isang malamig na Biyernes ng gabi. 
Lo, Nong, salamat dahil kahit alam ninyong maharot ako, hindi niyo pa din ako pinipigilan. Salamat sa nandiyan kayo sa likod ko sa tuwing gagawa ako ng kalokohan, pero mawawala kapag nalaman ninyong pwede kayong madamay. Joke. Nakatutuwang isipin at makakita ng isang matibay na relasyong binuo ng mabigat na pinagdadaanan.
Nong, hindi ko pa din ang ipinangako kong trip sa Europe kapag pareho na tayong mayaman. Huwag kang mag-alala, ipinangako ko din na hindi kita ililibre. Baka lang nagkakalimutan tayo.
Julius at Dante, salamat sa oras at sa espasyong pinahiram ninyo para sa kuwentuhan at tulugan. Sana kapag sumikat na itong blog ko, sana magawa niyo ding ayusin ang layout nito, pati na din ang aking mga pangungusap. I'm assuming here that my blog can get famous with its current sleepy layout. Note to self: Mag-ayos ng blog layout.

June 9, 2012
UP Los Banos
Sila ang sumagad ng pasensiya ko. Nagtitimpi lang ako sa sayang pinagdadaanan ko, pero sa sobrang saya nila kasama, heto ako't nagsusumbong sa aking munting pahina. Umuwi ako ng alas 6 mula Pasay. May tatlong oras na tulog, lumampas sa sinakyang bus, na-late sa usapang alas 9 ng umaga sa Alabang. Nag-alala ako sa simula. Pero heto naman ako, pagod pero masaya.
Curie, salamat sa kotse. Mas naging masaya ang pagbisita sa UPLB dahil pwede tayong magsigawan nang walang naiistorbo maliban sa mga natutulog sa atin. Salamat kasi nakita ko ang pagsisikap mo na buhayin ang usapan, sa mga pamamaraan muntik ko na ikahimatay. Joke. Pero salamat talaga. Sa totoo lang, hindi kita matantiya sa text, or sa forum, pero kapag nagkikita na tayo sa personal, parang panibagong Curie ang nakikita ko. Sabi ko nga kay Obet, hangang hanga ako sa'yo, at nahihiya na din. Sana mas makapalagayan pa kita ng loob. Salamat sa munting discussion sa tarpaulin ng sales ng DTRI. Ang sarap mong kasama kasi hindi ka nawawalan ng ngiti at kuwento. At marunong ka pang mag-basketball. Dahil diyan, tikom ang bibig ko sa sino mang magtatanong ng edad mo.
Obet, congratulations sa isang masayang bakasyon. Sulit ang ating pagpa-plano. Ituturing ko itong huling gimik bago magsimula ng trabaho. Sana hindi ka na maging moody dahil mas nababagay ang ganiyan sa babae. Joke lang ulit, ang sexist ko naman. Sana matapos mo na din ang pag-aaral mo, at sana kapag sumikat na ang blog ko, mabasa mo ito at matuwa ka kahit papaano. Salamat kasi andami mo nang kuwentong ipinagkatiwala sa akin.
Plok, salamat dahil ikaw ang madalas kong nakakulitan sa kotse, kasi ikaw ang katabi ko, and vice versa. Tandaan mo, hindi hadlang ang pagiging virgin para magkaroon ng isang masayang relasyon. Joke. Sana may masagap ulit akong balita sa mga future endeavors mo, alam mo na.
Kino at Averi, dahilan sa tuwang-tuwa akong pagmasdan kayo sa lahat ng pagkakataon, pinagsama ko na ang mensahe ko. Sana magkaroon din ako ng ganiyan. Kapag tumaba kayong dalawa dahil nahiyang kayo sa isa't isa, sana'y tumaba din ang utak ko sa mga success stories ninyo. Kapag may trabaho na ako, sana totohanin natin ang usapang pagpunta sa beach. Salamat kasi napaka-bibo niyo ring magsalita. Huling hirit: Bagay talaga kayong dalawa. Kapag sumikat na ang blog ko, sana mabasa niyo 'to at ma-realize na simula kahapon, isa na akong full-fledged fan.
GS, pinaka-memorable ang may-gatas-ka-pa-labi-ish na pagpuna namin sa mga milk solids na nasa ilong at labi mo. Idagdag mo pa ang tatlong ice cream na inupakan mo na parang tig-iisang kutsara lang ng cough syrup. Speaking of. Sana gumaling ka na din agad sa ubo mo. Salamat din sa nerdy talk kasama si Curie sa SAP, sa mga oldies na banda, kay Reshiram, sa pasegway sa Realm of Thought.

Date undisclosed
Place undisclosed
Nalulungkot ako dahil malapit na akong magsimula ng trabaho at hindi ko man lang nakita ang tatlong pinakanagpaligalig ng aking buhay kolehiyo. Ana, Merryl at Robert, sana magkita na tayo, lalo na ngayong mga panahong wala pa akong sweldo para pantay-pantay pa. Madalas kapag naaalala ko kayo, bigla akong magpapadaan ng text o mensahe sa FB. Inaasahan kong magkakausap at patuloy niyo pa ding pagdudulutan ng ligalig ang aking buhay may trabaho.

Kung planado man ako kumilos, hindi lang siguro dahil gusto kong maging maayos ang lahat. Naiisip ko kasi na ang kaunti ng oras, na bawat tick tock na lumipas nang walang akong taong nakilala at nakasama, para itong tick tock na pinalipas ko nang hindi humihinga for 16 counts. Minsan, masarap ding makaramdam na tao ka lang na may pangangailangang mapansin at makita ng kapwa mong may parehong pangangailangan.

Paalam na muli sa aking paglalakbay. Tick tock. Tick tock. Babalik na ulit ako sa katinuan.

No comments:

Post a Comment