Wednesday, July 4, 2012

Miss You

11:21 pm


Happy Birthday Papa! Dito ko na lang ipaabot ang pagbati ko. Tumawag kami kanina, kaso naka-answering machine na. Baka pagod ka na din. Salamat sa lahat ng paghihirap mo. Kahit hindi tayo madalas na nagkikita, mahal na mahal pa din kita. Sana umuwi ka na dito.

Sa lahat ng mga anak diyan, pahalagahan natin ang ating mga ama. Si Papa, 64 na. Gusto ko, hangga't maaari, magkakasama na kami. Gusto ko hindi na siya namomroblema sa mga gastusin sa bahay. Walang perpektong ama. Hindi rin natin pwedeng piliin ang ating ama, pero kayang kaya nating gawing makabuluhan ang pagsasama natin.

Muli, maligayang kaarawan Pa!

No comments:

Post a Comment