Monday, August 20, 2012

Ito na naman

3:50am


Gusto kita.

Parang pabunot ng plug sa saksakan, walang paliguy-ligoy.
Walang Changes have been made, do you want to continue? na alert.
Walang notifications kung hanggang saan na ang narating ng pagtingin ko.
Araw-araw akong umaasa.

Sa inaraw-araw na pagpasok ko sa office, routine ko na ang magbukas ng maliit na browser.
Tagal mo namang pumasok.
Refresh. Ayan, nakapasok ka na.
Makabisita nga sa workstation kung saan makikita na naman kita.

Lagi kang nakatutok sa trabaho.
Di ka man lang lumilingon.
Sa bagay, sino ba ako para lingunin.
Sa bagay, ni hindi mo nga alam na ako'y may lihim na pagtingin.

Kapag nagkasalubong tayo wala akong masabi.
Wala akong masabi na pwedeng marinig ng iba.
Uy ang cute mo ngayon. Uy gusto mo sumabay kumain? Uy ngumiti ka naman para sa akin.
Na-miss ko yung pagngiti mo na halos kinakain na ng talukap mo ang iyong mga mata.

Linggu-linggo kong tinitingnan kung may bago kang post sa wall mo.
Kung may bagong kinahuhumalingan. Bagong kanta. Bagong pupuntahan.
Sana naghihintay ka sa lalaking para sa'yo.
Kung ganoon man, heto't parating na ako.

Christian Bautista pala. Kaya kong kantahin yan para sa'yo.
Tumatakbo ka pala. Heto't nagsasanay na din ako. Sasabayan kita.
Masyado kang matalino. Ok lang, sabay tayong magpakatanga sa pag-ibig.
Ang sarap umasa. Ang sarap maghandang magmahal muli.

Alam ko ang birthday mo. Middle name mo. Phone number mo.
Kulang na lang ihatid kita sa inyo.
Kulang na lang sabihin kong ika'y aking gusto.
Kulang na lang paunlakan mo ang paanyaya ko.

Ilang araw na kitang nakilala?
Mga labimpitong araw palang pala.
May pa-gustu-gusto pa akong nalalaman.
Sabi ko na. Ito na naman.

No comments:

Post a Comment