Sunday, June 23, 2013

EnRoute

At kahit na malakas ang ulan kagabi na may kalat-kalat na pagkulog, pagkidlat at pagnanakaw sa QC, pinilit ko pa ding makapunta sa pagtitipon ng mga kakilala ko sa isang online community. Hindi ko naman siya pinagsisihan.

Matagal din akong nawala sa sirkulasyon ng komunidad na yun. Sana'y ito na ang magandang simula.

May mga gusot na nabigyang linaw. May mga natutunan ako kay Russ, pataasin ang EQ at huwag hayaang makaramdam ng guilt feeling kung may napupusuan ka, kasi hindi naman siya mali. Ang dapat pagtuunan ng pansin ay ang pakikitungo sa tao. Expect nothing more than a normal friend, Russ said. Salamat kaibigan.

One of these days makakabili din ako ng camera at mabibigyang buhay na din ang blog ko with matching pictures. :)

No comments:

Post a Comment