“Anak, nadala mo na ba lahat ng gusto mong dalhin? Yung laptop, notebooks, damit, bola. Siguraduhin mong wala nang babalikan ha. Mahaba ang biyahe, kawawa naman ang papa mo ‘pag may naiwan ka.”
“Opo. Pati flash drive, ballpen, textbooks, sapatos, at marami pang iba,” si mama talaga. Para namang kahapon ko lang nalaman na maglilipat kami eh. Ako pa, si Toper? Palagi yata tong handa.
Christopher Reign Manuel. 18 years old. Mukhang baby, kaya siguro career kung i-baby ni mama. 5’7. Maputi, kung ikukumpara sa mga ka-tropa ko. Volleyball enthusiast, since eight. Nerd? Hindi naman. Maaga lang sigurong namulat sa pressure ng magulang kaya naging innate na ang pagiging studious. Mahilig tumitig. Madalas napagkakamalang tulala. Pero ang totoo, madami lang talaga siyang iniisip.
Single. Well, according yan sa Facebook. Ay meron pa. Favorite quotation: Two’s a crowd. Hmm, interesting. Soloist ba ang trip nito?
Matapos ang limang oras na biyahe, nakarating na kami sa Maynila. Las Piñas to be exact. Habang nasa kotse, tingin ako nang tingin sa bintana. Pagtingin ko sa gawing kanan, may mga binatang naglalaro ng basketball. Napahawak ako sa bintana. Gusto kong lumabas.
Mga ‘tol, kanina pa kayo? Tara isang game pa.
Sige na.
Sa amin, walang gustong makipaglaro sa akin.
Hindi ko kayang mag-isa.
Ay nagdrama si kuya? Sabay napangiti ako mag-isa. Nagawa ko pang tumawa nang mahina.
“Mukhang excited na ang anak ko ah,” nahuli pala ako.
“Feel ko madami akong makikilala ma. Madami.”
Pagod kaming lahat nang makarating sa bagong bahay. Mas maliit kaysa sa dati naming tinutuluyan, pero ok naman. Nabutas na yata pwet namin sa biyahe. Wala nakong ibang naisip kundi humiga sa kama. Kinuha ko na ang bedsheet sa bag, sabay latag na.
Nagising ako bigla sa kalagitnaan ng gabi.
Krukrukru. Nagugutom ako.
Ano ba, bukas na nga. Matulog ka na Toper.
Day 1. Bagong buhay. Panibagong adventure.
No comments:
Post a Comment